LSAs ng CALABARZON, nagsanay ukol sa pamamahala ng farm school

Wed, 11/13/2024 - 10:08
LSA training farm school

 

PADRE GARCIA, Batangas – Tampok ang mga istratehiya sa farm operations and management sa unang pangkat ng tatlong araw na pagsasanay na, “Training on Farm School Operations and Management.” Ito ay pinangasiwaan noong ika-6 hanggang ika-8 ng Disyembre 2024, ng MoCa Family Farm RLearning Center, Inc., isang Private Agriculture and Fishery Extension Service Provider ng DA-ATI CALABARZON.

Aktibong lumahok ang 25 na farmer-cooperators ng mga certified Learning Sites for Agriculture ng DA-ATI CALABARZON mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon sa tatlong araw na pagsasanay na layong mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga kalahok ukol sa pamamahala sa farm schools na naaayon sa Technical and Vocational Education and Training (TVET). 

Binigyang diin din ng pagsasanay ang pagbibigay ng mga estratehiya at kaalaman ukol sa TVET System gayundin ay upang palakasin ang kanilang management skills. 

Nagsilbing tagapagtalakay sina Bb. Gigi P. Morris, Farm School Director at Bb. Ma. Gretchen Dalita mula sa nasabing PAF-ESP at nagbahagi ng mga kaalaman sa mga kalahok.

“Maraming salamat sa pagkakataon na nakasama sa training na eto at nagkaroon ng mga kaalaman at kasanayan ukol sa pamamahala sa isang farm school,” ani Danilo Casama mula sa Casama Agricultural Learning Center, Maragondon, Cavite.

Ang ikalawang pangkat ng nasabing pagsasanay ay nagsimula noong ika-11 ng Disyembre, 2024 at magtatapos sa ika-13 ng Disyembre, taong kasalukuyan.

Isa ang MoCa Family Farm RLearning Center, Inc. sa mga Private Agriculture and Fisheries Extension Service Provider (PAF-ESP) ng DA-ATI CALABARZON. 

Ulat ni: Sol Leal

 

article-seo
bad