25 magsasaka sa CALABARZON, sinanay sa makabagong makinarya para sa mas de-kalidad na ani ng palay

Mon, 06/30/2025 - 19:52
Makabagong Makinarya Calabarzon

 

CALAUAN, Laguna — Upang mapataas ang kalidad ng palay tungo sa mas mataas na produksyon, sinanay ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ang 25 na mga magsasaka mula sa rehiyon sa paggamit at pagpapanatili ng kaayusan ng mga makinaryang pansakahan.  

Pinangunahan ng DA-ATI CALABARZON ang Building Stronger Rice Communities: Advancing Knowledge in Farm Machinery Operations and Maintenance na ginanap sa FarmEx Corporation, Brgy. Bangyas, noong Hunyo 23-27, 2025. 

Katuwang ang FarmEx Corporation, isang Learning Site for Agriculture (LSA), sinanay ang mga kalahok sa praktikal na paggamit ng transplanter, vacuum seeder, tractor, harvester, at rice mill. Binisita rin ng mga kalahok ang Coalition Alliance of Farmers in Santa Cruz, Laguna (CAFSCL) Rice Processing Center upang masaksihan ang pagpapatakbo sa ilang makinarya.

Nagsilbing tagapagtalakay sina Engr. Jenno Ambrocio mula sa local government unit (LGU) ng Sta. Maria, Engr. Jon Carlo Bandillo ng LGU Pila, at G. Jayson Baldoz ng FarmEx Corporation.

Bilang pangulo sa aming samahan, ito pong aking natutunan ay maaari kong ibahagi sa aking mga member at hikayatin sila na mag-request kami ng mga machinery sa DA-PhilMech dahil natutunan ko kung paano ang operasyon at maintenance ng mga makinarya,” pagbabahagi ni Bb. Necy Sta. Maria, magsasaka mula sa Gumaca, Quezon. 

Pinaunlakan naman ni Dr. Rolando Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON, ang pagtatapos ng pagsasanay at nagbigay ng pangwakas na mensahe sa mga kalahok.

 

article-seo
bad