Pagpapatibay sa mga Gawaing Pang-ekstensyon, Binigyang-pokus sa FY 2025 Midyear Performance Review and Planning Workshop ng DA-ATI

Sat, 07/26/2025 - 18:19
midyear

 

Upang tasahin ang implementasyon ng mga pagsasanay, gawaing pang-ekstensyon, at pamahalaang pinansyal ng buong ahensya, isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) Central Office ang “Fueling Progress and Mapping Future Success: ATI’s FY 2025 Midyear Performance Review and Planning Workshop.”

Sa nasabing aktibidad, aktibong dumalo ang DA-ATI CALABARZON sa pangunguna ni Center Director Dr. Rolando V. Maningas. Tampok sa limang araw na gawain ang presentasyon ng performance report ng mga regional training centers, kung saan ibinahagi rin ang mga inobasyon, pakikipag-ugnayan, at good practices ng bawat isa. Ipinagmalaki ng DA-ATI CALABARZON ang mga inobasyong tulad ng digital platforms na Agri360 at e-Library, gayundin ang mga pagsasanay para sa mga Agricultural and Biosystems Engineers (ABEs), mga interbensyon para sa kabataan, mahahalagang ugnayan sa mga PAF-ESPs, at iba pang natatanging gawain sa rehiyon bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan para sa Bagong Pilipinas.

Nagkaroon din ng talakayan ukol sa panuntunan sa planning at budgeting para sa FY 2027, pati na rin ng mga breakout session upang pag-usapan ang mga teknikal, pinansyal, at administratibong isyu.

Buong pangangasiwa ito ni Director Remelyn Recoter, ATI Director IV, at ni Deputy Director Antonieta Arceo. Kabilang din sa mga dumalo ang mga Center Director mula sa iba’t ibang rehiyon, mga section chief at unit head, accountant, at budget officer.

Isinagawa ang aktibidad sa Iloilo City noong Hulyo 21–25.

 

News by : Janine L. Cailo (Information Officer III / ISS )

article-seo
bad