Wastong Pamamahala ng Bakahan, Inihatid sa mga Magsasaka ng Rosario, Batangas

Tue, 09/16/2025 - 13:08
Bakahan

 

Sa pangunguna ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON, katuwang ang National Dairy Authority (NDA) South Luzon at Batangas Provincial Veterinary Office, matagumpay na nagtapos ang 27 mga magsasaka sa “Herding Up: Training on Dairy Herd Management” na ginanap sa Rosario, Batangas, mula Setyembre 10-12, 2025.

Layunin ng pagsasanay na maibahagi ang makabagong kaalaman sa paghahayupan, partikular sa pamamahala ng bakahan at paggagatas, upang higit na mapaunlad ang kanilang kakayahang teknikal sa produksyon.

Sa pagbubukas ng pagsasanay, nagbigay ng mensahe si Bb. Vira Elyssa Jamolin, CDMS Chief ng DA-ATI CALABARZON, bilang kinatawan ng ahensya. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng wastong pag-aalaga ng mga gatasang hayop para sa masaganang produksyon.

Nagpahayag din ng suporat sina G. Noledo Lindog, Supervising Administrative Officer mula sa Batangas Provincial Veterinary Office; at Dr. Feddik Antonetter Serrano, OIC-Department Manager mula sa NDA South Luzon.

“Yung aming mga natutunan dito sa pagsasanay ay aming isasapuso at isasaisip. Mas maganda kung amin ding maipapalaganap itong kasanayan at kaalaman na aming natutunan para umunlad din ang industriya ng paggagatas at paghahayupan,” ani Sergio Platino mula sa Rosario Corn Farmers’ Association.

Sa pagtatapos ng programa, personal na nagpaabot ng pagbati at mensahe si DA-ATI CALABARZON Center Director Dr. Rolando Maningas. Ipinahayag niya na patuloy ang suporta ng ahensya upang mas magiging handa ang mga magsasaka sa pagtugon sa mga hamon ng industriya at sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan.

 

 Ulat ni: Archie Linsasagin (Information Officer II / ISS)

article-seo
bad