Kasanayan sa Produksyon at Pamamahala sa Kambing, Ibinahagi sa 25 Benepisyaryo ng LEED

Tue, 07/29/2025 - 09:28
Produksyon at Pamamahala sa Kambing

 

Sa layuning pataasin ang produksyon ng kambing at ipakita ang malaking potensyal nito bilang kumikitang negosyo, 25 benepisyaryo ng programang Livestock Economic Enterprise Development (LEED) ng DA CALABARZON ang sinamay ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON noong Hulyo 23-25, sa Pila, Laguna.

Sa pamamagitan ng Grazing for Growth: Training on Animal Production and Management for LEED Beneficiaries (Goat), nadagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa tamang pamamaraan ng pag-aalaga, pagpapakain, at tamang paggamot sa mga karaniwang sakit ng kambing.

Nagsilbing mga tagapagtalakay sina Bb. Diane Olarve mula sa Department of Animal Science ng Cavite State University; at G. John Davis Garcia mula sa Roqueza Integrated Farm, isang Learning Site for Agriculture (LSA) ng ATI CALABARZON.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagbigay ng mensahe ang Livestock Program Coordinator ng DA CALABARZON na si Dr. Jerome Cuasay at ipinaliwanag ang mga serbisyo ng kanilang tanggapan.

Samantala, nagpaabot din ng mensahe ng pagsuporta si ATI CALABARZON Center Director Dr. Rolando Maningas, at hinikayat ang mga kalahok na patuloy na dagdagan ang kanilang natutuhan sa larangan ng pag-aalaga ng kambing at huwag kalimutan na ibahagi ito sa kanilang mga kasama.

Matatandaan namang nitong Mayo 27-29, sumailalim din sa pagsasanay ang mga benepisyaryo ng LEED sa baka. Nilayon naman nitong pataasin ang produksyon ng baka sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong kaalaman at kasanayan sa produksyon at pamamahala ng baka bilang magandang kabuhayan.


 

Ulat ni: Hans Christopher G. Flores (Agriculturist I / ISS)

 

 

article-seo
bad