ATI CALABARZON, Wagi ng mga Parangal sa 3rd Regional Research and Innovation Week

Tue, 11/04/2025 - 10:00
RRIW

 

Patuloy na pinatutunayan ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ang husay nito sa larangan ng inobasyon at extension matapos mag-uwi ng karangalan sa 3rd Regional Research and Innovation Week (RRIW) na ginanap noong Oktubre 27-30, 2025 sa De La Salle University-Dasmariñas.

Sa temang “Sustaining Partnerships: Driving Collaborative Innovation for a Resilient AANR Future,” layunin ng pagtitipon na itampok ang mga makabagong ideya at programang nag-aambag sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura, pangisdaan, at likas na yaman sa rehiyon.

Kabilang sa mga natamong pagkilala ng DA-ATI CALABARZON ang mga sumusunod:

  • Unang Gantimpala – Development Paper: Steering Digital Transformation to LSAs and PAF-ESPs through Agri360
  • Best Development Poster: AGRI360°
  • Ikatlong Gantimpala – Extension Paper: “YIPOA: Empowering Young Farmers towards Agripreneurships”
  • Best Extension Poster: YIPOA

Sa ilalim ng Extension category, pinangunahan ni Bb. Abegail del Rosario, Chief ng Partnerships and Accreditation Section (PAS), ang presentasyon ng Youth Internship Program on Organic Agriculture o YIPOA—isang programang naglalayong hikayatin at sanayin ang mga kabataan tungo sa agripreneurship at sustainable farming.

Samantala, sa Development category, ipinakilala ni Bb. Janine Cailo, Chief ng Information Services Section (ISS), ang AGRI360° bilang isang digital platform na nagtatampok sa mga Learning Site for Agriculture (LSA) at Private Agriculture and Fisheries Extension Service Providers (PAF-ESPs) bilang mga sentro ng agriturismo at pagkatuto.

Ang mga parangal na ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng DA-ATI CALABARZON na paigtingin ang inobasyon, digitalisasyon, at partisipasyon ng mga kabataan sa agrikultura—mga hakbang tungo sa mas matatag, moderno, at inklusibong sektor ng agrikultura.

 

Ulat ni: Janine L. Cailo (Information Officer III / ISS)


 

article-seo
bad