30 Magsasaka, Mas Handa nang Paunlarin ang Produksyon at Pagpoproseso ng Kakaw

Tue, 06/30/2026 - 16:38
Cacao Processing

 

Mas naging handa ang tatlumpung (30) kalahok na paunlarin ang kanilang produksyon ng kakaw matapos ang tatlong araw na Growing Value: Training on Cacao Production and Processing Technologies na pinangunahan ng Uma Verde Econature Farm, isang accredited Private Agriculture and Fisheries Extension Service Provider (PAF-ESP), katuwang ang DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON.

Sa loob ng tatlong araw, pinalawak ng mga kalahok ang kanilang kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang teknolohiya sa produksyon at pagproseso ng kakaw, kabilang ang wastong pamamahala ng taniman, pagpoproseso ng kakaw, at iba pang mga pamamaraan na makatutulong sa pagpapabuti ng kalidad at pagdaragdag ng halaga ng produktong kakaw. 

Layunin ng pagsasanay na mahikayat ang mga kalahok na gamitin ang mga makabagong teknolohiya at mahuhusay na estratehiya, upang mapaunlad ang produksyon ng kakaw at mapalawak ang kanilang mga oportunidad sa kabuhayan.

Sa pagtatapos ng programa, nagbahagi ng mensahe si Dr. Rolando V. Maningas, RAgr, Center Director ng DA-ATI CALABARZON. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na paglinang ng kaalaman at hinikayat ang mga kalahok na isabuhay at ibahagi ang kanilang mga natutuhan upang higit pang mapaunlad ang produksyon ng kakaw at makatulong sa patuloy na paglago ng industriya sa kanilang mga komunidad.

 

article-seo
bad