Kakayahan sa Produksyon at Pamamahala ng Baka, Hatid ng DA-ATI CALABARZON sa mga Benepisyaryo ng LEED

Wed, 07/01/2026 - 16:56
LEED

 

Pinatatag ang kaalaman at kakayahan ng mga benepisyaryo ng Livestock Economic Enterprise Development Program (LEED) sa produksyon at pamamahala ng baka sa pamamagitan ng Training on Animal Production and Management for DA-RFO Beneficiaries for Cattle na isinagawa noong Hunyo 24-26, 2026, sa Calungsod Integrated Farm, Tiaong, Quezon.

Sa loob ng tatlong araw, sumailalim ang mga kalahok sa mga talakayan at hands-on activities na nakatuon sa wastong produksyon at pamamahala ng baka. 

Inaasahang magagamit nila ang mga natutuhan upang mapabuti ang kanilang produksyon, mapaunlad ang kanilang kabuhayan, at maibahagi ang kanilang kaalaman sa kanilang mga komunidad. 

Sa pagtatapos ng programa, binati at pinasalamatan ni Dr. Rolando V. Maningas, RAgr, Center Director ng DA ATI CALABARZON, ang mga samahan ng magsasaka at agricultural extension workers (AEWs). Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagbabahagi ng kanilang mga natutuhang kaalaman at teknolohiya sa kani-kanilang komunidad upang mas marami ang makinabang. 

Nagbigay rin ng mensahe si Dr. Wilmer S. Faylon, RAgr, Livestock Program Coordinator ng DA-RFO IV-A, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggamit ng mga kaalaman at kasanayan upang mapalago ang kabuhayan ng mga kalahok at mapahusay ang produksyon ng baka.

Sa kabuuan, ang mga natutuhang teknolohiya at pamamaraan sa pamamahala ng baka ay inaasahang magbibigay-daan sa pagtaas ng produksyon ng karne, na mag-aambag sa mas matatag na kita ng mga magsasaka at sapat na suplay ng pagkain sa kani-kanilang komunidad.

 

 

article-seo
bad