TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Rice Awareness Month (NRAM) na may temang, “Be RICEponsible: A, B, K, D. A-Adlay, mais, saba atbp. ay ihalo sa kanin, B-Brown rice ay kainin, K-Kanin ay huwag sayangin at D-Dapat bigas ng Pilipinas ang bilhin,” nagsagawa ang Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON ng iba’t ibang palaro at mga aktibidad kaalinsabay ng 8th National Organic Agriculture (OA) Month.
Kaugnay ng adbokasiyang ito, sari-saring promotional materials katulad ng foldable fan, facemasks, t-shirts, ecobag at payong ang mga nakamit ng mga nagwagi sa patimpalak at pakulo na inihanda ng DA-ATI CALABARZON. Ibinahagi rin ang mga lokal na bigas katulad ng brown rice, black rice, red at glutinous rice upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkonsumo ng ating bigas bilang pagpapahalaga sa mga magsasaka sa ating bansa.
Sa taong ito, muling inihandog ng DA-ATI CALABARZON ang mga sumusunod:
1. Tiktok challenge, isang dance contest na nagpapakita ng mga gawain sa bukirin;
2. PalayTrivia – mga trivia tungkol sa pagpapalayan at NRAM (tuwing Miyerkules at Biyernes ng Nobyembre);
3. Colored Rice Cooking Demo Challenge – pagluluto gamit ang colored rice tulad ng brown, red, glutinous at black rice;
4. Amazing Rice Challenge para sa kawani ng DA- ATI CALABARZON;
5. Search for Ekstensyonistang OA, isang quiz bee para sa mga Agricultural Extension Workers (AEW) ng rehiyon; at
6. Mga aktibidad sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang Office of the Municipal/City Agriculturist sa CALABARZON
Narito ang mga nagwagi sa PalayTrivia:
PalayTrivia 1: Joe Kim Cristal
PalayTrivia 2: Dexter Landicho
PalayTrivia 3: Marc Angelo Nodado Valsorable
PalayTrivia 4: Joseph Mario Navasero
PalayTrivia 5: Wilma Vidal Plata
PalayTrivia 6: Jonnel Pumares
PalayTrivia 7: Regina A. Razo
Narito naman ang mga nagwagi sa Tiktok Dance Challenge:
Champion: Municipal Agriculture Office at 4-H Club ng Los Baňos, Laguna
1st runner-up: Municipal Agriculture Office ng Kalayaan, Laguna
2nd runner-up: DA Butils (Jamilla Daryn David, Lianne Claire Tayson at Aisha Anmerie Velasquez)
Samantala, ang mga nagwagi naman sa Colored Rice Cooking Demo Challenge ay ang mga sumusunod:
Champion: Garden Pizza Rice
1st runner-up: OMU Rice
2nd runner-up: Filipino Style Chao Fan
Nagpaabot ng pasasalamat si DA-ATI CALABARZON OIC Training Center Superintendent II / Center Director Dr. Rolando V. Maningas sa mga ahensyang tumulong upang maging matagumpay ang mga gawaing ito: DA – Regional Field Office IV-A, Philippine Rice Research Institute – Los Baňos at mga katuwang na Office of the Municipal Agriculturist ng Los Baňos, Laguna, Candelaria at Panukulan sa Quezon at Office of the City Agriculturist ng Bacoor.
Ulat ni: Mary Grace P. Leidia