FITS Kiosks, Itinatag sa Catanauan, Quezon

Mon, 05/30/2022 - 16:45
FITS Kiosks, Itinatag sa Catanauan, Quezon

CATANAUAN, Quezon - Upang mapalawak ang paghahatid ng angkop na kaalaman sa pagsasaka sa komunidad, partikular sa pagpapalay, inilunsad ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang Farmers' Information and Technology Services (FITS) Center ang FITS Kiosks sa bayan ng Catanauan sa lalawigan ng Quezon noong ika-20 ng Mayo, 2022.

Ang limang (5) samahan ng mga magsasaka mula sa mga barangay ng San Jose Anyao, Camandiison, Cawayanin Ibaba, Tagbacan Ilaya, at Doongan Ilaya ay sumailalim sa ebalwasyon noong ika-26 ng Abril, 2022 na pinangunahan ng Information Services Section (ISS) ng ATI CALABARZON.

Sa paglulunsad ng FITS Kiosks, nagbigay ng mensahe si Gng. Liwayway Pizarra, Municipal Agriculturist at FITS Manager, sa mga nasabing samahan. Nagpaabot din ng mensahe ng pagtanggap ang mga kinatawan at pangulo ng mga samahan na sina G. Henry R. Batad, G. Ronelito D. Hernandez, G. Rodrigo O. Braña at G. Sancho R. Oriola.

Samantala, malugod na pinasalamatan ni ATI CALABARZON OIC Center Director Dr. Rolando V. Maningas ang mga aktibong magsasaka ng Catanauan at binigyan-diin ang kahalagahan ng tamang impormasyon sa pagsasaka upang makamit ang masaganang ani at mataas na kita.

edited by: JBalmeo

article-seo
bad