Bagong Kaalaman at Dedikasyon: Sandata sa mas Masanang ANI at Mataas na KITA

Fri, 10/14/2022 - 10:22
Training of Trainers on Production of High-Quality Inbred Rice and Seeds, and Farm Mechanization

LUCENA CITY, Quezon- “First time kong maka attend ng ganitong training na napakatagal. Sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko kaya ito, dahil may mga maiiwan akong mga gawain, problema, at konting negosyo sa amin.

Pero masasabi kong napakasaya ng pagsasanay na ito. I do hope na sa atin ay maging challenge ito, na yung mga natutuhan natin dito kung maari ipilit natin na malaman din ng ibang mga magsasaka. Sa panahon ngayon masasabi kong tayo yung mga may kaalaman para maibigay natin yung mga bagong kaalaman sa mga magsasaka at iyan ay sa pamamagitan ng pagtutulungan nating lahat” ani Rayman O. Salvo, nagtapos mula sa Tagkawayan, Quezon.

Isinagawa ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON sa pamamagitan ng Parnerships and Accreditation Section (PAS) ang huling batch ng Training of Trainers on Production of High-Quality Inbred Rice and Seeds, and Farm Mechanization katuwang ang Villar SIPAG Farm School. Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng mga bago at sapat na kaalaman at kasanayan ang mga kalahok tungkol sa produksyon ng inbred rice seeds at makabagong teknolohiya sa pagsasaka ng palay.

Ang mga aktibidad ukol sa Farm Machinery Operation, Safety, at Maintenance, Agro-Ecosystem Analysis (AESA), at Microteaching Session ay ilan lamang sa mga naging highlight ng pagsasanay. Ito ay upang maging handa sila sa pagiging isang ganap na tagapagsanay sa kani-kanilang lugar.

Naging bahagi ng matagumpay na pagsasanay ang mga ahensya tulad ng DA RFO, PhilMech, PhilRice, Regional Crop Protection Center (RCPC), TESDA, NEDA, Bureau of Plant Industry (BPI)-NSQCS, Development Bank of the Philippines (DBP) gayundin ang OPA Quezon at City Agriculture Office ng Tayabas, Quezon.

“At hindi po nalalayo sa isang guro ang mahalagang papel ninyong gagampanan bilang mga gurong katuwang ng kagawaran sa pagseguro ng hinaharap di lamang ng ating mga anak o ng mga kabataan, di lamang mga magsasaka sa inyong pamayanan, kundi sa pangkalahatan, masegurong may kakaining kanin ang bawat Pamilyang Pilipino” ani Dr. Rolando Maningas, OIC Center Director/TCS II para sa mga nagsipagtapos.

Tatlumpung (30) mga bagong hubog na tagapagsanay mula sa lalawigan ng Laguna, Quezon at Camarines Sur ang nagsipagtapos sa pagsasanay na tumagal mula October 07 hanggang 12, 2022.

Ang pagsasanay ay isinagawa sa ilalim ng RCEF Program na ang layunin para sa mga magsasaka ay mapababa ang gastos at mapataas ang ani sa pagpapalayan.

Ulat ni: Darren Bayna

 

article-seo
bad