MARAGONDON, Cavite - “In a few months, I’ll be retiring from government service, pero masaya at fulfilled kong iiwan ang serbisyo publiko. ang agrikultura. Isa sa mga dahilan ay KAYO. Dahil alam ko na may mga susunod ng generation na magpapatuloy ng aming mga nasimulan sa sektor ng agrikultura. Allow me to say that I AM SO PROUD OF ALL OF YOU,” saad ng Center Director na si Bb. Marites Piamonte-Cosico.
Kalahok sa aktibidad na “Batang Filipino Farmers’ Camp: Basic Agricultural Training for the Filipino Youth” ang dalawampu’t pitong (27) kabataan mula sa iba’t-ibang bahagi ng CALABARZON.
Ito ay pinagunahan ng Terra Verde Eco Farm, isang Extension Service Provider ng rehiyon katuwang ng Agricultural Training Institute-CALABARZON. Tinalakay sa dalawang araw na farm camp ang mga paksang tungkol sa iba't-ibang teknolohiya ng agrikultura at ang pagnenegosyo mula rito. Nagkaroon din ng mga team building activities ang mga kabataan upang malinang ang kanilang kakayahan bilang isang lider. Ang pagsanay ay naglalayon na hikayatin ang mga kabataan na mabigyang halaga ang pang agrikultura at maunawaan na isa rin itong magandang propesyon.
Ang BFF Camp ay naganap noong ika-27 hanggang 28 ng Pebrero 2022.
Ulat ni: Roy Roger Victoria II