Information caravan ukol sa YIPOA, isinagawa

Mon, 01/29/2024 - 17:21
Information caravan ukol sa YIPOA

Isinagawa ng mga kawani mula sa Partnerships and Accreditation Section (PAS) ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON ang gawaing may pamagat na โ€œCultivating Organic Agripreneurs: the Youth Internship Program on Organic Agriculture Information Caravanโ€ noong ika-23 ng Enero, 2024 para sa lalawigan ng Batangas at Cavite at noong ika-25 hanggang ika-26 ng Enero para naman sa mga lalawigan ng Quezon, Laguna at Rizal.ย 

Ang Youth Internship Program on Organic Agriculture (YIPOA) ay isang 21-month internship program na ipinatutupad ng DA-ATI at DA-National Organic Agriculture Program (NOAP) na may pahintulot ng National Organic Agriculture Board (NOAB), sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture-Regional Field Office IV-A.ย 

Naglalayon itong mahasa ang kaalaman at kakayahan ng mga kabataan ukol sa organikong pagsasaka na maaari nilang gawing pangunahing pinagkakakitaan.ย ย 

Bukod dito, nagkakaloob ang programa sa mga intern ng start-up funds na nagkakahalaga ng PhP 150,000.00 sa pagtatapos ng siyam (9) na buwang internship upang maging panimula sa kanilang isasagawang business plan.ย ย 

Dinaluhan ito ng mga Provincial Agriculturist, mga Municipal at City Agriculturists, Provincial OA and Youth Coordinators, Pangulo ng Samahan ng mga Magsasaka at Mangingisda, at iba pang mga kabataang interesado sa YIPOA mula sa mga nabanggit na lalawigan.

Inilatag ni Bb. Soledad E. Leal, OA Focal Person ng DA-ATI CALABARZON, ang kasalukuyang kalagayan ng mga intern mula sa unang batch upang magbigay-inspirasyon at mahikayat ang mga kabataan na sumali sa ganitong programa.ย ย 

Dagdag pa rito, ibinahagi rin niya ang alituntunin ng programa at mga dokumento na kailangang isumite ng mga kabataan at farm-partners upang makasali sa nasabing programa.ย  Pinaalalahan din niya ang pagkakaroon ng virtual orientation ukol dito sa darating na ika-5 ng Pebrero, taong kasalukuyan.ย ย 

Naging positibo naman ang pagtanggap ng mga dumalo sa nasabing gawain at nangakong ipalalaganap ang nasabing programa upang mas marami pang kabataan ang mahikayat na sumali rito.ย ย 

Ulat ni: Bb. Sole Leal

article-seo
bad