Pagtatapos sa SDC Track Course ng mga AgriLEADERS ng CALABARZON

Sat, 03/18/2023 - 13:51
Impresyon ni Bb. Catherine Ranoco, kalahok at Municipal Agriculturist ng Bayan ng Lumban, Laguna

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - “I was appointed last September 2022 as the Municipal Agriculturist of the Local Government of Lumban, Laguna. Alam ko na malayo ang tatahakin ko at nag-uumpisa pa lang ako, pero naniniwala ako na kakayanin ko ang mga trials at challenges kasi naging part ako ng SDC Track 1-3. Thank you DA-ATI CALABARZON for the opportunity for this training course. I believe it will make me a good supervisor as well a good leader to the office I belong,” ani Bb. Catherine Ranoco sa pagtatapos ng pagsasanay.

Bilang tugon sa pagpapatuloy ng mga nakatapos ng Track 1 noong nakaraang taon, ang DA-ATI CALABARZON sa pakikipag-ugnayan sa Civil Service Commission (CSC) Regional Office IV ay matagumpay na naisagawa ang apat na araw na pagsasanay ng Supervisory Development Course Track 2 na ginanap noong Pebrero 14 hanggang 17, 2023 at Track 3 noong ika- 7 hanggang ika-10 ng Marso, 2023 sa sentrong pansanayan ng ahensya sa lungsod ng Trece Martires,Cavite.

Layunin ng pagsasanay na pahusayin ang mga kakayahan sa pangangasiwa ng mga pangbayan at panglungsod na agrikultor mula sa iba’t ibang bayan sa rehiyon at mga piling kawani ng DA RFO IV-A at DA-ATI CALABARZON upang mapanatili na nakadirekta sa pagpapalakas ng mga empleyado sa serbisyo.

Pinangunahan ni Training Center Superintendent II/Center Director Rolando V. Maningas, PhD ang pagtatapos ng dalawang kurso sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe ng pasasalamat at paghamon sa mga kalahok na maging epektibong lider ng kani kanilang opisina.

Ulat ni Bb. Vira Elyssa Jamolin

article-seo
bad