Pagkilala at Pagsugpo sa mga Peste ng Mangga, Tinutukan sa Pagsasanay ng DA-ATI CALABARZON

Fri, 04/28/2023 - 10:31
Pagkilala at Pagsugpo sa mga Peste ng Mangga, Tinutukan sa Pagsasanay ng DA-ATI CALABARZON

 

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Isinagawa ng DA-ATI CALABARZON ang "Training of Trainers on Insecticide Resistance Management for Mango" na dinaluhan ng dalawampung (20) tekniko mula sa iba't ibang bayan sa rehiyon.

Pinasinayaan ni Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON ang nasabing pagbubukas ng programa. Ayon kay Bb. Lizbeth L. David, Training Specialist II at Officer, layunin ng pagsasanay na mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagbalangkas ng mga istratehiya ukol sa "insecticide resistance management" ng mangga. Ang mga aktibidad ng programang ito ay pinapalooban ng patungkol sa Nutrient Management and Phenology of Mango, Common Insect Pests of Mango, at Insecticide Toxicology. Isinagawa rin ang aktwal na gawain sa pagsasanay.

“Sobrang worth it ng time and sobrang nakaka-enjoy ang experiential learning. Sa knowledge and skills na nakuha ko sa training, masasabi ko na ngayon ko lang naunawaan ang prinsipyo nito sa tulong na rin ng expertise ng ating resource person. Pag-uwi namin magiging factor of change kami sa mango industry,” ayon sa mensahe ni Christian L. Almirez, isa sa mga kalahok mula sa Mauban, Quezon na kanyang ibinahagi sa araw ng pagtatapos.

Bilang kinatawan ng ahensya, nagpaabot ng mensahe at pasasalamat si Bb. Sherylou C. Alfaro, OIC Asst. Center Director ng DA-ATI CALABARZON sa mga kalahok at naging katuwang ng programa mula Unibersidad ng Pilipinas- Los Baños kung saan nagmula ang naging tagapagsalita sa pagsasanay. Nagpasalamat din siya sa mga LGUs na nagpaunlak at nagpadalo ng mga kalahok.

Isinagawa ang pagsasanay sa DA-ATI CALABARZON Training Hall, Trece Martires City, Cavite noong ika-17 hanggang ika-21 ng Abril, 2023.

Ulat ni Kim Louise M. Carandang

 

article-seo
bad