LUCENA CITY, Quezon- “Madami akong natutunan, naging kaibigan at sana sa susunod nating pagkikita [ay] successful Clusters na tayo sa ating rehiyon," sambit ni Bb. Ailene Corpuz mula sa Montalban, Rizal sa kanyang karanasan at mithiin sa pagtatapos ng "Training on Organizational Management and Cluster Development for F2C2 Beneficiaries for Livestock" na isinagawa ng DA-ATI CALABARZON.
Sampung (10) tekniko sa paghahayupan at dalawampung (20) F2C2 beneficiaries ang sinanay ukol sa Organizational Management at Cluster Development. Layunin ng gawain na matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng Cluster at matulungan pa sila sa anumang aspekto ng agrikultura.
Sa pagtatapos ng ng programa, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat at suporta si Dr. Rolando V. Maningas, PhD, TCSII/Center Director DA-ATI CALABARZON, at Dr. Jerome Cuasay, DA RFO IVA Livestock Coordinator.
Pinangasiwaan ng Career Development and Management Section (CDMS) ng nasabing ahensya ang gawain noong ika-18 hanggang ika-20 ng Abril taong kasalukuyan sa Ouans Farm and Family Resort sa syudad na ito.
Ulat ni Bryan Manlapaz