16 na Kabataan, Makakatanggap ng Scholarship Program sa ilalim ng EAsy Agri

Sat, 09/30/2023 - 11:45
16 na Kabataan, Makakatanggap ng Scholarship Program sa ilalim ng Easy Agri

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Isinagawa ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ang oryentasyon at pagpirma ng kontrata sa ikatlong pangkat ng Educational Assistance for Youth in Agriculture (EAsY Agri) Scholarship Program.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng labing-anim (16) na bagong iskolar kasama ang kani-kanilang mga magulang at ng ilang mga Provincial and Municipal Young Farmers Coordinators mula sa lalawigang kinabibilangan ng mga iskolar. Kabilang sa mga nasabing iskolar ay sina:

  1. AIRA JEAN S. ALIAS – B.S. Agriculture (Southern Luzon State University)
  2. ALDRICH CLARK J. MALDO – B.S Agricultural and Biosystems Engineering (Southern Luzon State University)
  3. ALLEA M. ESPINAR – B.S Agricultural and Biosystems Engineering (Cavite State University)
  4. JASMIN P. AMARILLAS – B.S. Agriculture (Southern Luzon State University)
  5. JEORGE CHRISTIAN I. DORONILLA – B.S. Agriculture (Laguna State Polytechnic University)
  6. JERVES R. SANDOVAL – B.S. Agriculture (Southern Luzon State University)
  7. JHEFF KRYSYL T. FERRERA - B.S Agricultural and Biosystems Engineering (University of Rizal System)
  8. KIRSTINE C. BOMBANE - B.S. Veterinary Medicine (University of the Philippines)
  9. KRISHTILE B. ANDRIN - B.S Fisheries (Batangas State University)
  10. MA. ANTONETTE M. ALBABA - B.S. Agriculture (Laguna State Polytechnic University)
  11. MARIA ALYSSA ASHLEY R. ZARA - B.S. Agriculture (Southern Luzon State University)
  12. MONICA C. VILLANUEVA - B.S. Agriculture (Southern Luzon State University)
  13. RACHEL ANNE F. MORENO - B.S Agricultural and Biosystems Engineering (Laguna State Polytechnic University)
  14. ROSHYNE JOY B. ALLES - B.S. Agriculture (Laguna State Polytechnic University)
  15. RUI ANN KHYLE P. VELASCO - B.S Agricultural and Biosystems Engineering (University of Rizal System)
  16. SHELLA R. PANUELOS - B.S. Agriculture (Laguna State Polytechnic University)

Kabilang sa ginawang aktibidad ay ang pagpapaliwanang sa mga nilalaman ng kontrata, kasama ang mga matatanggap nilang benepisyo at mga obligasyon ng iskolar at ng kani-kanilang magulang. Tinalakay ito ng scholarship focal person na si G. Roy Roger D. Victoria II.

Pinagtibay ang pagtanggap at pagtatalaga sa mga iskolar sa pamamagitan ng paglagda ng kontrata sa pangunguna ng Center Director ng DA-ATI CALABARZON na si Rolando V. Maningas, PhD at Bb. Jeniffher Sobrevilla, Accountant I.

Sa pagtatapos ng programa, nagbigay din ng makabuluhang mensahe si CD Maningas para sa mga iskolar.

Ang aktibidad ay isinagawa noong ika-20 ng Setyembre 2023 sa tanggapan ng DA-ATI CALABARZON sa syudad na ito.

Ulat ni: Roy Roger Victoria II

article-seo
bad