Mga Regulasyon sa Makinaryang Pangsakahan, Tinutukan sa Pagsasanay ng DA-ATI CALABARZON

Tue, 10/10/2023 - 10:31
Mga Regulasyon sa Makinaryang Pangsakahan, Tinutukan sa Pagsasanay ng DA-ATI CALABARZON

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Matagumpay na isinagawa ang limang araw na pagsasanay patungkol sa "Training on the Regulations of Agricultural and Fisheries Machinery” na pinangunahan ng Partnerships and Accreditation Section (PAS) ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON. Dinaluhan ito ng dalawampung (20) mga Agricultural and Biosystems Engineers (ABE) mula sa iba’t-ibang bayan sa rehiyon.

Layunin ng nasabing pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kahusayan ng mga Agricultural and Biosystems Engineers patungkol sa mga regulasyon sa mga makinaryang pangsakahan at pangisdaan sa kani-kanilang pinagseserbisyuhan na bayan.

Katuwang sa pagpapatupad ng nasabing pagsasanay ang Regional Field Office (RFO) IV-A Regional Agricultural Engineering Department (RAED) at Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering (BAFE).

Mas naging makabuluhan ang pagsasanay para sa mga “Bayaw” dahil nakadaupang palad nila si Hon. Sherwin O. Valdez ang Chairman ng CPD Council for Agricultural and Biosystems Engineering at Board Member ng PRC Regulatory Board for Agricultural and Biosystems Engineering, na nagbigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng mensahe at sa paggabay sa loob ng limang araw na pagsasanay.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagpaabot ng pasasalamat at mensahe si ATI CALABARZON Center Director Dr. Rolando V. Maningas para sa mga “bayaw” at sa mga naging katuwang upang maging matagumpay ang nasabing gawain.

Ang nasabing pagsasanay ay may kaakibat na 10 CPD Credit Units para sa mga nagtapos na lisensyadong Agricultural and Biosystems Engineers.

Isinagawa ang pagsasanay noong ika-25 hanggang 29 ng Setyembre 2023.

Ulat ni: Darren B. Bayna

 

article-seo
bad