LUCENA CITY, Quezon – Pinagkalooban ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON ng starter kits para sa kani-kaniyang proyekto ang 336 na mga kabataan na sumailalim sa mga serye ng pagsasanay sa ‘Binhi ng Pag-asa Program’ (BPP) sa lalawigan ng Quezon sa isinagawang Ceremonial Turnover noong ika-9 ng Nobyembre taong kasalukuyan sa Ouan’s The Farm Resort.
Ilan sa mga proyekto ng labimpito (17) na pangkat mula sa mga bayan at lungsod sa Quezon ang organic farming, hydroponics o urban gardening, swine production, at broiler at free-range chicken.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa Office of Sen. Grace Poe na si G. Jyleazar F. Dela Rosa, Chief for Political Affairs; Provincial Agriculturist na si Dr. Ana Clarissa Mariano; kinatawan ng Office of the Provincial Veterinarian na si Dr. Milcah Valente; kinatawan ng DA - Regional Field Office (RFO) IV – A na si Dr. Eduardo Lalas, Agricultural Program Coordinating Office (APCO) ng Quezon; at mga Municipal at City Agriculturist Office coordinator na naging pangunahing katuwang ng DA-ATI CALABARZON sa pagsasakatuparan ng BPP.
Bukod dito, bilang bahagi rin ng dalawang araw na aktibidad, isinagawa sa unang araw ang Harvesting Inspiration: BPP Project Proposal Making Contest na nagkaroon ng walong (8) project proposal entries at kanilang dinipensahan sa harap ng panel of judges mula sa Office of the Provincial Agriculturist at mga kapwa kalahok.
Sa ikalawang araw ng aktibidad noong ika-10 ng Nobyembre, ginanap naman ang ‘Honing Minds: BPP Agri-Tagisan Knowledge Quiz Bee’ kung saan nagtagisan ng talino ang dalawampu’t tatlong (23) kabataan sa mga paksa sa agriculture, leadership, at socio-economics.
Sa pagsasara ng programa, ginawaran ng parangal ang mga nagwagi sa nasabing patimpalak.
Ang mga sumusunod ang nagwagi sa ‘Harvesting Inspiration: BPP Project Proposal Making Contest’:
1st Place – Von Francis Castro - Polillo, Quezon
2nd Place – Kim Carlo Ayo - Atimonan, Quezon
3rd Place – Hannah Belaos; Rosalyn Lobiano - Pagbilao, Quezon
4th Place – Emerald Batarlo - Unisan, Quezon
5th Place – Ramel Buayaban - Lopez, Quezon
Ang mga sumusunod naman ang nagwagi sa ‘Honing Minds: BPP Agri-Tagisan Knowledge Quiz Bee’:
1st Place – Von Francis Castro - Polillo, Quezon
2nd Place – Janjezkriel Villareal - Pagbilao, Quezon
3rd Place – Emerald Batarlo - Unisan, Quezon
4th Place – Kimberly Anne De Gala - Candelaria, Quezon
5th Place – Estefanie C. Potestades - Real, Quezon
Magsisilbing kinatawan ng rehiyon sa darating na BPP National Summit ang mga nagwagi sa mga nasabing patimpalak.
Sa pagsasara ng programa, pinasalamatan at binati ni Bb. Vira Elyssa Jamolin, Career Development and Management Section (CDMS) Chief ng DA-ATI CALABARZON, ang mga kabataang lumahok sa mga aktibidad at nagwagi.
Ulat ni: Roy Roger Victoria II