IMO: Indigenous Microorganism

IMO front page

Download Link:

Indigenous Microorganism (IMO)

Ilan sa mga pamantayan upang matiyak na mataas ang organic matter sa lupa ay ang balanseng nutrisyon at mataas na populasyon ng IMO sa lupa. Ang IMO ay tumutulong upang mapabilis ang pagkabulok ng mga kinokompost na parte ng halaman. Ito ay mabisa ding pamatay-amoy sa mga dumi ng mga alagang hayop.  Kung marami ang IMO sa lupa maiiwasan ang pagdami ng masasamang organismo na nagdudulot ng sakit sa halaman. Maari rin itong ipainom sa alagang hayop kung nakakaranas ng pagtatae.