Letsugas

      
Lettuce IEC
 

Download Link:

    

Letsugas

Ang letsugas (Lactuca sativa L.) ay kilala bilang pangunahing sangkap sa vegetable salad. Ito ay mayaman sa fiber na nakatutulong sa pagtunaw ng ating pagkain. Maraming uri ang letsugas pero ang mas kilala ay ang leafy type na karaniwang ginagamit sa mga salad at kasamang gulay sa burger. Bukod sa leafy type, mayroon pang ibang uri ng letsugas, ito ay ang head type. Sa Pilipinas, ang mga nangungunang rehiyon na nagtatanim ng letsugas ay ang CAR, Region X at Region VII.