Mon, 08/07/2023 - 22:29

363852533_200903446291217_1717436620078362540_n.jpg

Ang mga kasapi ng training kasama sina PCA Regional Manager Mateo Zipagan (nakaupo, pangatlo mula sa kaliwa) at mga kawani ng ATI Bicol.

LEGAZPI CITY. Albay- Nagumpisa na ang isa sa mga gaganaping training ng ATI Bicol kaugnay ng programang Coconut Farmers and Industry Development Plan o CFIDP.

Ang 5-araw na Training on Dairy Farm Operations for Cattle na tinawag na ‘I-Cow at A-Coco’ ay isang pagsasanay na para mga nagtatanim na niyog para madagdagan ang kanilang kaalaman sa pag-aalaga ng baka. NIlalayon nitong isama ang pag-aalaga ng baka sa pagtatanim ng niyog na sa gayo’y tumaas ang kita ng mga magniyonyog at mapalakas din ang produksyon ng gatas sa bansa.

Katuwang ng ATI Bicol ang Philippine Coconut Authority, (PCA), National Dairy Authority (NDA) at mga lokal na gobyerno ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

Dalawampung magsasaka ang kasama sa pagsasanay. Maliban dito, kasama din nila ang anim na Agricultural Extension Worker sa bawat probinsya at apat na empleyado ng PCA.

Si ATI Bicol Information Officer Isagani Valenzuela, Jr. ang Project Officer ng training. Katuwang niya rito si Cherry Rose Gavino, ang technical staff ng ahensya.

Sa mensahe ni ATI Bicol OIC Emmanuel Orogo na binasa ni Gng. Valenzuela. Sinabi nito na labis ang tuwa ng ahensya sa kooperasyon ng mga nasyonal at lokal na pamahalaan para mataguyod ang pagsasanay. Ibinahagi din niya na may mga susunod pang mga pagsasanay sa CFIDP gaya ng milk processing, coconut-cacao farming, native chicken production at Good Agricultural Practices.

Sinabi naman ni PCA Regional Manager Mateo Zipagan, napapanahon ang pagsasanay dahil sa kasalukuyan, nakakapagbigay lamang ng lokal na produksyon ng gatas ng isang porsiyento sa pangangailangan ng bansa. Umaasa ito na sa pagsanib ng niyog at bakahan, mas tataas ang kita ng magsasaka at madadagdagan ang suplay ng gatas.

Ayon naman kay Albay Provincial Veterinarian Dr. Pancho Mella, na kumatawan kay Albay Governor Edcel Greco Lagman, makakatulong ang pagsasanay lalo na sa larangan ng processing dahil may pasilidad na ang lalawigan gaya ng Dairy Farm sa Albay Provincial Agriculture Office (APAO),  at kinakailangan ito ng maraming produksyon ng gatas para marami itong magawang produkto.

Nagkaroon na ng pagtalakay tungkol sa CFIDP na ginawa ni PCA Senior Agriculturist Sofia Juserhine Bucad. Ipinakilala naman ni NDA Project Development Officer III Larry Esperanza ang kanilang mga programa.

Sa mga susunod na araw, magkakaroon na ng lecture at workshop na papangunahan ng mga trainer ng NDA na sina Dr. Monique Dacillo at Guia L. Hermoso. Bibisitahin din ang Dairy Farm ng APAO para isigawa ang mga aktwal na aktibidad gaya ng milk testing at silage preparation.

Ang pagsasanay ay gaganapin mula Agosto 7 hanggang Agosto 11 sa Legazpi City, Albay.

article-seo
bad