Thu, 11/23/2023 - 08:43

402556269_902238101519048_2927196268417678061_n.jpg

Ang ginanap na ribbon-cutting sa pagbubukas ng Natural & Organic Trade Fair na pinanganunahan nila (magmula sa kaliwa) ATI Bicol Center Director Elsa Parot . DA-RFO 5 Regional Technical Director for Operations Luz Marcelino, CBSUA President Dr. Alberto Naperi , Bureau of Agriculture and Fisheries Standards Organic Agriculture Division Chief Joeve Calleja  at Agribusiness & Marketing Assistance Division Chief at Regional Organic Agriculture Focal Person Adelina Losa.

402893444_902239578185567_2915596711723571201_n.jpg

Ibinida ng mga OA scholar ang kanilang mga natanggap na tseke, kasama sina Director Elsa Parot,  AMAD Chief Adelina Losa, ATI Bicol OA Focal Person Justine Tubig (nakaluhod, sa kanan) at OA Alternate Focal Person Danjhan Layco (nakaluhod, sa kaliwa).

402904047_902239511518907_5506717683670890430_n.jpg

Ang mga nagsipagwagi ng Kabataang OA Quiz Bee

DSC09837.jpg

Ipinagmalaki ng mga contestant ang kanilang mga luto sa OA Master Chef Cook-Off

402897239_902239434852248_2645271650546033786_n.jpg

Ang mga opisyal at miyembro ng Camarines Norte Federation of Cooperatives sa paggawad sa kanila ng  Certificate of Accreditation bilang Participatory Guarantee System (PGS) Organic Certifying Body.

 

PILI, Camarines- Isang araw na siksik sa ganap.

Naging makulay at masaya ang ginanap na isang araw na culmination activity ng 9th Organic Agriculture Month Celebration na may temang ‘Kabuhayang OA, Kinabukasang OK!’

Ang kaganapan ay pinagsamang pwersa ng ATI Bicol, DA-regional Field Unit 5 at Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) na siyang naging host sa mga aktibidad na ginanap nang nakaraang ika-20 ng Nobyembre.

Si ATI Bicol Center Director Elsa Parot ay isa sa mga pangunahing bisita. Kasama nya sina DA-RFO 5 Regional Technical Director for Operations Luz Marcelino, Agribusiness & Marketing Assistance Division Chief at Regional Organic Agriculture Focal Person Adelina Losa, at Joeve Calleja, ang Organic Agriculture Division Chief ng Bureau of Agriculture and Fisheries Standards na kumatawan sa keynote speaker na si BAFS Director Dr. Karen Kristine Roscom. Mismo si CBSUA President Dr. Alberto Naperi ang nag-welcome sa mga bisita at nagbigay ng pambungad na talumpati.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Director Parot ang kanyang pagkamangha sa malawakang pag-unlad ng Organic Agriculture sa Bicol magmula ng itinaguyod ito noong taong 2011. Si Director Parot ay nagsilbing National Program Director ng OA bago sya nahirang bilang hepe ng ATI Bicol. Ibinahagi din nito na sinasanay na nila ang mga kabataan na itaguyod ang OA para mas lalo pa itong lumawak at tumagal. Idinagdag pa nya na ang mga kasalukuyang Learning Site for Agriculture o LSA ay bunga ng programa ng Organic Agriculture.

NATURAL & ORGANIC TRADE FAIR

Isa sa highlight ng aktibidad ay ang pagbubukas ng Natural & Organic Trade Fair. Dito ibinida ang mga tanim at mga produktong walang halong sintetikong pataba at pestisidyo. Kabilang sa mga sumama ay ang mga LSA gaya ng Herbas Immaculada Organic Farm, Manuel’s Garden, Deloverges Agri Farm, at Viani Farm. Naroon din ang  Pecuaria Development Cooperative, Baao Organic Agriculture Cooperative, Camarines Norte Federation of Cooperatives, Mhina’s Garden at Dhadz Garden.

OA YOUTH SCHOLARSHIP

Nagkaroon din ng pamamahagi ng extension grant nagkakahalagang Php150,000 sa bawat isa sa sampong OA scholars. Ang mga iskolar ay sina Blandino Alvarez, Hajie Tapia, Diosdado Culiat Jr, Edifio Alberto, Leo Galgal, Christian Capitan, Arjay Cahigao, Fidel Marpuri, Babyjean Meralpis at Janet Ibarrientos.

Ang grant ay gagamitin nila sa pagpapalago ng kanilang napiling proyektong pangkabuhayan. Ito ay bukod sa buwanang stipend na kanilang natatanggap.

KABATAANG OA QUIZ BEE

Pinarangalan din ang mga nagbawagi sa Kabataang OA Regional Quiz Bee na nilahukan ng mga mag-aaral sa buong rehiyon. Ang nagwagi ay si Kean Erick Ganza ng Sorsogon State University. Siya ay tumanggap ng premyong Php10,000. Ang mga kasama nya rin sa nasabing Pamantasan ang pumagalawa at pumangatlo. Ang ika-apat ay taga-Catanduanes State University at ang pangalima ay sa CBSUA. Si Gng. Ganza ay kakatawan sa Bicol sa gaganaping National Kabataang OA Quiz Bee. (Pahabol: Si Ginoong Ganza ay 2nd placer sa ginanap na National Kabataang OA Quiz Bee)

OA MASTER CHEF COOK-OFF

Ito na ang pinakaabangan ng lahat. Ang tagisan ng kaalaman at pagiging malikhain sa pagluluto gamit ang pangunahing sangkop na kamote. Ang mga nagsipagtunggali ay ang Minah’s Garden, Reamj Food Product, Baao Organic Agriculture Cooperative, Saldo’s Natures  Farms, Herbas Immaculada Organic Farm, at Viani Farm.

Pagkatapos ng dalawang oras na pagluluto at panunuri ng mga hurado,  ang Viani Farm ang tinanghal na panalo sa luto nitong ‘pinakro’. Nakatanggap ito ng premyong nakakahalagang Php10,000.

ATBP

Kasama rin sa aktibidad ang paggawad sa Camarines Norte Federation of Cooperatives ng Certificate of Accreditation bilang Participatory Guarantee System (PGS) Organic Certifying Body. Naging saksi dito si Camarines Norte Provincial Agriculturist Engr. Almirante Abad.

Nagkaroon din ng pamamahagi ng karanasan at karunungan ang Joross Farm sa pamamagitan ng mag-asawang may-ari nito na sina Jose at Rossini Obligacion tungkol sa organic farming. Ang Joross Farm ay multi-awarded farm na isa ring LSA ng ATI Bicol.

Nagtapos ang araw sa pamamahagi ng mga seedling at certificate of appreciation sa mga dumalo.

article-seo
bad