Tulong, Oportunidad, at Pag-unlad: Mga Tagumpay ng Top 555

Wed, 11/05/2025 - 08:20

Sa Rehiyong Bicol, kung saan ang lupa ay biyaya ngunit may kaakibat na mga hamon, isinusulong ang mga inisyatibong nagbibigay-buhay sa sektor ng agrikultura. Isa sa mga ito ang TOP 555 Project ng Bicol Learning Site for Agriculture, Inc. (BLSA) — isang inobasyon na pinangungunahan ng pribadong sektor katuwang ang Agricultural Training Institute-Regional Training Center V (ATI Bicol).

Kilala

.....read more



Dhadz Culiat: A 4-H Success Story

Mon, 09/29/2025 - 09:49

Sino nga ba si Diosdado L. Culiat Jr.?

Kamakailan lang, katulad siya ng milyon-milyong Pilipinong kabataan na naghahanap ng magandang kinabukasan.

Anak ng mga magsasaka, pang-anim sa mga magkakapatid, at naninirahan sa Ocampo, Camarines Sur, si Dhadz ay nag-aral ng kursong arkitektura sa Naga City pero hindi na niya ito natapos dahil namatay ang kanyang ama. “Nag-stop po ako kasi na

.....read more



Baboy Na Mas Marami, Kita Na Mas Malaki: Ang Kwento ng SWAIB sa Pilar, Sorsogon

Thu, 09/11/2025 - 15:39

 

“Mula ₱800 kada serbisyo, ngayon ay libre na. At higit pa roon, mas maganda at mas mabilis lumaki ang mga biik.”

Ganito inilarawan ng ilang magbababoy sa Pilar, Sorsogon ang malaking pagbabago sa kanilang kabuhayan matapos ilunsad ang proyektong Swine Artificial Insemination sa Barangay (SWAIB) sa Bayan ng Pilar sa Lalawigan ng Sorsogon.

Paano Nagsimula

Ayon kay Alkalde

.....read more



Pagsasanay, Pagtutulungan, at Pag-unlad

Mon, 06/30/2025 - 18:00

Farm Family Modeling Project

Sina Maria Paloma, 62, at Mercedes Gapoy, 76, ng San Fernando, Camarines Sur ay dating hirap sa pagtaguyod ng pamilya dahil nakaasa lang sa pagsasaka ng palay ang kani-kanilang asawa.

Ngayon, nakikilala na sila dahil sa maunlad na produksyon ng gulay at pagproseso ng vegetable chips na nakakarating na sa iba’t ibang dako ng bansa.

Ayon kay Ms. Ma. Techie

.....read more



Swabe sa SWAIB: Ang Tagumpay ng Mercedes Farm

Mon, 06/30/2025 - 15:56

Sa Bayan ng Libmanan, Camarines Sur, isang batang magsasaka ang nangunguna sa sipag, tiyaga, at bukas sa pagbabago. Si Lorenzo Gregorio V. Núñez III ang may-ari ng Mercedes Science Agricultural Farm, isang Learning Site for Agriculture (LSA) na ngayon ay isa ring tagumpay na sentro ng teknolohiya sa pagbababoy sa pamamagitan ng programang Swine Artificial Insemination sa Barangay (SWAIB) ng

.....read more



Ang Pagbalik-lista ni Bert Diesta

Sat, 12/28/2024 - 19:44

Dalawang taon na ang nakakaraan nang nakapanayam ng ATI Bicol si Roberto Diesta, na mas kilala sa palayaw niyang ‘Bert’. Ibinahagi nya ang kanyang lista na naglalaman ng kanyang mga plano. Mga planong naisatuparan na.  Mga planong hinihubog na sa kasalukuyan. Mga planong aabutin pa lang.

Kabilang sa mga planong ito ay isinasagawa sa kasalukuyan ay pag-aalaga ng baboy at ang pagpapalago ng

.....read more



Muli’t Muling Napili: Tagumpay ng HVCDP sa Bayan ng Pili

Sat, 12/28/2024 - 17:48

Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyong Bicol ang kauna-unahang Search for High-Value Crops Achievers Award (HVCAA) sa buong bansa noong 2022. Si Engr. Rommel Nacario, hindi pa man isang dekadang kawani ng Pamahalaang Lokal ng Pili, Camarines Sur, ay napili bilang HVC awardee.

Muling niyang nasungkit ang HVCAA noong 2023, at gayundin nitong 2024.

Ito’y pambihira. Ngunit para sa

.....read more



Kambing, Huwag Small-in: Aksyon at Adhikain ng GRACS

Wed, 12/04/2024 - 14:46

Poor man’s cow kung tawagin ang kambing. Mas abot-kaya ito ng karaniwang magsasaka. Sa kabila nito, laganap pa rin ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa tamang pangangalaga sa small ruminant na ito, dahilan kung bakit maliit na porsiyento lang ng mga magsasaka ang kumikita sa goat farming.

Kaya naman isang malaking hakbang tungo sa pag-unlad ng pagkakambing ang pag-organisa ng Goat Raisers

.....read more



Good Grass: Higit Pa sa Mabuti

Tue, 12/03/2024 - 09:26

Bigas. Bulkan. Bagyo.

“Ang palay ay isang uri ng damo,” ani Lindy Grace Ala, ang tagapangasiwa ng Good Grass, bilang tugon sa tanong kung ano ang kahulugan ng pangalan ng kanilang palayan, Good Grass. “At hindi lang basta-basta damo. Mabuting uri ito ng damo. Dito nanggagaling ang bigas.”

Ayon kay Lindy, ang kanilang halos sampung ektaryang sakahan na matatagpuan sa Barangay Pawa, Lungsod ng

.....read more



Mula Pag-Araro Hanggang Pagtuturo: Ang Kwento ng Ocbian Farm School

Wed, 10/02/2024 - 11:54

Umpisa

“Pitong taong gulang, nag-aararo na ako.” Ito ang pahayag ni Noe Ocbian, ang may-ari ng Ocbian Nature Farm School, Inc., isa sa mga naunang Learning Site for Agriculture (LSA) sa Bicol. Ang bukirin, matatagpuan sa Purok 1, Monte Carmelo, Castilla, Sorsogon, ay isa rin sa mga kauna-unahang LSA sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Ayon kay Noe

.....read more