RCEF Exemplar Farmers ng Darwel

Saturday, September 30, 2023 - 09:58


Nang siya’y magretiro sa kanyang trabaho noong 2006, bumalik si Darlon Amante at ang kanyang maybahay na si Welisa sa Barangay Batuhan sa Masbate City.

Taong 2019, ang Rocky Mountain Farm ay naging Learning Site for Agriculture (LSA) na sertipikado ng Agricultural Training Institute (ATI) bilang modelong sakahan. Sa tulong ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), nagsimula itong magturo tungkol sa pagsasaka ng palay at mas nakilala bilang Darwel Agricultural Farm.

Ayon kay Jobenel Dela Torre, RCEF Technical Staff ng ATI, kapartner ng ATI ang LSA tulad ng Darwel Farm sa implementasyon ng RCEF-Rice Extension Services Program. “Ang Darwel Farm ay accredited Farm School ng Technical Education and Skills Development Authority. Ang RCEF Scholarship Grants ay binibigay ng TESDA sa mga farmers. Sa Farm Schools tulad ng Darwel Farm, nag-aaral sila once a week sa Farmer Field School. It will run for almost four months. Ang 16 sessions ng FFS ay kailangan nilang matapos. Ang Darwel ay modelo rin sa pagpapalaganap ng technologies tungkol sa rice production at mechanization.”

DARWEL darlon lecture.jpg

DARWEL meeting3.jpg

 

Resibo ni Renato

Taga-Barangay Usab, Masbate City, si Renato Edaño Jr., 39 years old, ay hinirang na Best Farmer ng Lokal na Pamahalaan. Isa sa mahigit limang daang magsasakang inaruga ng Darwel Farm, natapos nya ang apat na buwang FFS na pinondohan ng RCEF.

“Bilang RCEF Farm School, malaki po ang naitulong sakin ng Darwel,” ani Renato. “Kasi marami po ang naitulong saking kaalaman, sa teknolohiya. Yung namana ko sa mga magulang ko na makalumang estilo, ngayon may panibagong teknolohiya sa Darwel.

“Kailangan pala na ang palay parang tao rin na may agahan, tanghali, hapunan. Sa amin wala, noon, basta may abono kami. Na-educate kami kung paano ibibigay ang abono, at tamang oras pagbigay nito. Kasi mamumunga na ang palay. Dito ko nalaman na kung anong kailangan, ibibigay mo.

“Paano mag-preparar ng lupa, at saka tamang oras ng pagtanim – lahat naituturo ni Sir Darlon. Ang maia-advice ko lang sa katulad kong magsasaka, sipag lamang. At ang binibigay ng LGU na oportunidad para sa mga katulad naming mahihirap, wag nating sayangin.”

Lubos ang pasasalamat ni Renato sa bagong mga kaalamang nakuha nya sa Darwel Farm. “Na-improve ang aking pamumuhay dahil sa kaalaman sa pagsasaka. Dati po ang harvest ko maliit lang, nasa 80 plus na sako ng palay. Nang nag-aral po ako dito naka-150 sako ako per hectare. Umabot ako ng ganun sa tulong ng Darwel Farm. Na-educate ako. Tapos yung mga naibibigay ng LGU na abono, sprayer… Sabi nga, masaganang ani, malaki ang kita. Yun ang natupad po. Itinuro ni Sir Darlon kung paano mag-budget ng pera.”

Batid ni Renato ang mga limitasyon ng magsasakang tulad nya, kaya alam nya kung ano ang solusyon dito. Bukod sa tamang teknolohiya, “sipag po ang puhunan ko at tulong ng LGU na maraming binhi ang binibigay sa amin. Ma-a-achieve mo yung malaking ani basta nasa tamang proseso po.”

Sa tanong na paano nakatulong sa kanyang pamilya ang mataas na kitang naging possible sa tulong ng Darwel Farm, mababanaag sa banayad na boses ni Renato ang tuwa at pagkamangha. “Malaki po ang natulong sa akin ng kinita kasi nakabili ako ng motor. Sa awa ng Diyos sinuwere ako, nakabili ako ng motor. Hindi nga akalain ng kapitbahay ko na nakabili ako ng barako – 82,000 – binili ko yun cash. Kaya proud ako sa sarili ko.

“Nakabili po ako ng TV at saka ref. Dati wala yun, hindi ko yun na-achieve,” paglalahad ni Renato. Ang mga kagamitang naipundar ang nagsilbing resibo ng sipag at galing nya sa pagsasaka. “Ang last po ay lupa na pansarili pong binili ko – nasa 42,000. Yun po ang last kong na-achieve.”

Isang pangarap ang umusbong sa puso ni Renato. “Baka someday makagaya ako kay Sir Darlon, ang aking idolo. Baka lang po… pero dreams come true,” pahayag nya.

DARWEL renato.jpg

 

Reseta ni Raquel

Bago sya nag-asawa, namasukan si Raquel Banoy, 40 taong gulang at residente ng Barangay Ubongan Dacu, bilang katulong sa Maynila. ‘Di maiwasang ihambing nya ang pamamasukan at pagsasaka. “Bilang usad po na babae, hindi naman po mahirap magsaka, kung talagang masipag po tayo. Maganda pong magtanim po tayo, kahit sa pang-araw-araw natin na pwedeng makuha natin, makakatulong po yun. Malaking tulong po yun.

“Maganda nga po yung pagsasaka kesa maging kasambahay po, mas maganda ang pagsasaka kasi kasama mo ang pamilya mo po,” dagdag ni Raquel. “Salamat po sa Darwel Farm kasi sila po yung tumulong sa amin para matuto o makakuha po ng kaalaman.”

Si Raquel ay nagpapaaral ng limang anak at nag-aalaga ng asawang may sakit. Bagama’t halos walang bakanteng oras ang isang ginang na tulad ni Raquel, sinikap nyang matapos ang apat na buwang FFS sa Darwel Farm. Ito’y dahil alam nya ang halaga ng kaalaman. “Kung wala po tayong kaalaman, kung basta lang tayo magtatanim, mahirap naman po.”

Dahil sa kanyang mga natutunan, gumanda ang ani ni Raquel. “Ngayon, nakaani na po kami ng 160 or 180 (sako ng palay). Yung mga nagastos po namin, parang naibalik sa amin. Kahit nag-aaral po ang tatlo kong anak, nakabili din po ako ng TV, nakapaayos din po ako ng bahay namin.” Malaking tulong rin ang binhi at mga pataba mula sa lokal na pamahalaan.

Sa kapwa kababaihan, nirerekomenda ni Racquel ang pagsasaka. Malaking tulong ito upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. “Sa palayan po namin, naggugulayan po ako. Dun po kami kumukuha ng pang-araw-araw.”

DARWEL racquel.jpg

 

Daán ni Daniel

Taong 2020 nang nag-aral si Daniel Laurio sa Darwel Farm. Wari’y isang daanan ang nagbukas sa kanya tungo sa kasaganahan. “Nag-training po ako dito sa Darwel Farm. Natutunan po namon sa pag-aral namon dito sa Darwel kung papano mapadami an ani sa produksyon sa rice san mga kabasan namon.

“Kasi san mga dati, an aram namon, pinapahabsan an kabasan pakatanom, kaya mas nagadamo dali an dinghot, kaya dili kami nakakaani san damo. Pero san naka-eskwela kami, natutunan namin na dili pala dapat na pagpahabsan pakatanom an humay. Dapat igwa san 2-3 cm an tubig palagi sa bagong tanim na palay.”

Bukod sa tamang patubig, nalaman ni Daniel ang halaga ng tamang paghahanda ng binhi. “Kag natutunan namin na sa pagdalugi (seed preparation) pa lang, kung paano an tama na pagbabad san dalugi, kag kung kailan tama sa adlaw ang pagatanom, kung pira ka-adlaw. Kaya malaking tulong an nakaadal kag nakakuha sa tamang teknolohiyang pinaagi ki Sir Darlon.

“Natutunan din namin kung papano mag-apply san abono sa tama na pag-aabono. Kasi dati nababali-wara an amo pag-aabono kasi pag may-adlaw, minsan aga, mag-aabono kami. Hindi gali dapat kasi an abono nitrogen sya, pwede madara sa adlaw, ma-evaporate. Pero sa amon natutunan, talagang nakita namon an resulta na napakaganda san among mga kabasanan.”

Bukod sa pagsagawa ng mga natutunan, naibahagi rin ni Daniel at Raquel ang kanilang kaalaman sa mga kapwa magsasaka. “Ay dami na kami naturuan sa amon mga kapitbahay na mga paraoma, dun sa amin. Kasi ina-share man namon an amon naaraman sainda para lahat kami makinabang na magkakapit-bahay doon sa amin,” pahayag ni Daniel.

“Nakalilibay kasi ina-apply man nila, an iba hindi. Pero an iba nagatuod gayod, lalo nakita man ninda sa amon mismo kabasanan na talagang nag-ani san damo. Kaya damo na salamat lalo didi ki Sir Darlon sa pagtukdo nya sa amon san tama na teknolohiya, lalo na sa land preparation, an pinakaimportante. Kasi dati, minsan dili pa dulot an mga dinghot (weeds), tanuman na. Yana hindi ili pwede, dapat 30 days na magin himo na abono iton na mga dinghot para mas madagdag na abono sa mga omay.”

Ang tamang kaalaman ni Daniel ay nagbunga dahil isinagawa nya ang kanyang mga natutunan. “Inaktwal namon an amo natutunan, talagang amon ginawa sa among kabasanan. Kaya nakita namon an resulta na talagang napadami an ani san among kabasanan san hintukdo sa amon ni Sir Darlon. Talagang dakulang bulig sa amon. Kasi dati nag-aani lang kami 30-40 sako ng palay, pero ngayon mas malaki na, aabot na sa sobra 100 sako an naaani namon sa palay.

“Kaya malaking tulong an nakaadal kan, nakakuha san tama na teknolohiya pinaagi san ki Sir Darlon. Dako an among pasalamat kay Sir Darlon na natukduan kami san tama na teknolohiya sa pag-ooma.”

Dahil batid ni Daniel ang halaga ng masaganang ani sa pag-unlad ng bansa, nais nyang mas maraming magsasaka ang maging maalam sa pagsasaka. “Kag sa mga paraoma, inaagda namon sinda na kung pwede maka-eskwela gad sinda sa pag-ooma kay dako na bulig sa ato bilang mga Pilipino. Kasi nagkukulang kita sa bigas sa atong bansa. Sulo ngani sa survey, para 15% lang an kaya suplayan san bigas naton sa Pilipinas, 85% hali sa mga import pakadi sa aton hale sa iba na mga bansa.

“Kaya mas maayo na makaadal gayod kita sa tama na pag-ooma para makinabang an ato sadiri na bansa bilang mga Pilipino.”

DARWEL daniel.jpg

DARWEL ricefield.jpg

Related Story: Biyaya ng Batuhan: Darwel (RCEF Exemplar sa Masbate)


Story by: