PILI, Camarines Sur- Naging masaya at makaulay ang pagdaraos ng ATI Bicol sa ika-78 anibersaryo na ginanap sa malawak na training center nito sa Brgy. San Agustin, Pili, Cam. Sur nang nakaraang Pebrero 8. Ang tema sa taong ito ay INNOVATE, COLLABORATE, SUCCEED: Growing Together for a Sustainable Future”
Si Center Director Elsa Parot, kasama ang halos 60 kawani at contract of service ng center, ang nag-welcome sa halos isang daan bista ng kinabibilangan ng mga panauhaing pandangal mula sa iba’t bang sektor ng Lipunan.
Kabilang dito ang mga matataas na opisyal ng mga National Government Agencies, State Universities and Colleges,Provincial at Local Government Units, Learning Sites for Agriculture (LSA), at pribadong sektor kabilang na sina Albay Provincial Agriculturist Cheryll Rebeta, Cam. Norte Provincial Agriculturist Engr. Almirante Abad at Naga College Foundation President Mario Villanueva.
PAGBASBAS SA BAGONG GUSALI
Inumpisahan ang aktibidad sa isang banal na misa na pinangunahan ni Fr.Jene Lois Sarmiento, ang parochial Vicar ng St. Raphael the Archangel Parish sa Bayan ng Pili. Pagkatapos nito ay binagbasan naman ang panibangong gusali na may dalawang palapag. Ito ang nagsisilbing bagong tahanan ng mga technical section gaya ng Information Services Section (ISS), Career Development and Management Services Section(CDMS) at Partnership and Accreditation Services Section (PASS).
PAGKILALA SA MGA PARTNER
Pagkatapos nito, nagkaroon ng pagkilala at pamimigay ng mga plaka ng pasasalamat sa mga partner at mga stakeholders. Kinabibilangan ito ng Department of Agriculture-Regional Field Office 5, Department of Tourism, Department of Science and Technology, Department of Social Welfare and Development Field Office 5, Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority at Bureau of Jail Management and Penology.
Pinarangalan din ang mga partner na SUC kasama ang Bicol University , Central Bicol State University of Agriculture , Sorsogon State University, Camarines Norte State College, Partido State University, at
Dr. Emilio B. Espinosa, Sr. Memorial State College of Agriculture and Technology (DEBESMSCAT).
Kasama din ang pribadong kolehiyo gaya ng Naga College Foundation at Yhobel Christian Academy.
Binigyang pugay din ang mga katuwang na Office of the Provincial Agriculture at Provincial Veterinary Offices, kagaya ng Albay Provincial Agriculture Office at Albay Veterinary Office; Office of the Provincial Agriculturist-Camarines Norte at Provincial Veterinary Office-Camarines Norte; Office of the Provincial Agriculturist-Camarines Sur; Office of the Provincial Agriculturist-Catanduanes at Provincial Veterinary Office-Catanduanes; Office of the Provincial Agriculturist at Provincial Veterinary Office-Sorsogon; at Office of the Provincial Agriculturist Masbate at Provincial Veterinarian Office Masbate.
PAGGAWAD SA PILING LSA, FITS Center at ESP
Biniyayaan ng training support ang mga bagong LSA sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan. Ito ang Ragay Coco Eskwela Turismo Kabuhayan Agriculture Cooperative (Ragay Coco Sentral) ng Ragay, Cam Sur at Bicolandia Organic Coco Farmers Agriculture Cooperative ng Sipocot, Cam. Sur.
Nagawaran din ang mga talong Farmers Information and Technology Services (FITS) Centers sa Albay. Ito ang mga FITS Center ng Malilipot, Daraga at Bacacay.
Muli naming nabigyang accreditation bilang Private Agriculture and Fisheries External Service Provider ang Sonrisa Farm Assessment and Learning Center, Inc. ng Magarao, Camarines Sur.
Binigyan naman ang pagkilala ang mga LSA na naging gabay ng mga iskolar ng ATI sa ilalim ng Youth Scholarship on Organic Farming (YSGOF). Ito ay ang Ocbian Nature Farm School ng Castilla, Sorsogon; Carmel Agri-Learning Farm, Inc. ng Pili, Cam. Sur; Deloverges Agri-Farm ng Bula, Camarines Sur; at Albay Farmers Bounty Village at El Miro De Shei Integrated Farm ng Camalig, Albay.
PAGKILALA SA MGA TAGAPAGPATUPAD NG PAFES
Ang Pamahalaang Lalawigan ng Camarines Norte ang hinirang na ‘Best Province-Led Agriculture and Fisheries Extension System (PAFES) Implementer.’ Kinilala din ito sa ‘Exemplary Liquidation Report.’
Ang Albay ay tinanghal bilang ‘ greatest number of trainings/activities conducted under PAFES.’
Ang mga lalawigan ng Catanduanes at Masbate sa ‘Distinct commodity implemented under PAFES.’
Samantala, ang Sorsogon ay nahirang sa ‘Timely execution of trainings/activities under PAF.’
ATI LOYALTY SERVICE AWARDEE
Ang aming kasamang si Ma. Milagros B. Laysa, Administrative Aide I, ay pinarangalan dahil sa kanyang 40 taong serbisyo. Ang kanyang apat na dekadang paglilingkod ay higit pa sa sa kasalukuyang pag-iral ng ATI.
Saludo kami saiyo, Ate Miles!
COMMITMENT SIGNING at TEAM-BUILDING
Ang huling kaganapan ay ang commitment signing ng lahat ng permanenting kawani ng ATI Bicol sa Work and Financial Plan sa kasalukuyang taon. Ang bawat isa ay lumagda sa kani-kanilang mga target na gagawing aktibidad at pagsasanay. Lahat naman ay pumirma sa malaking ‘Pledge of Commitment.’
Pagkatapos nito, nagkaroon ng isang team-building na pinangunahan mismo ni Director Parot.