PILI, Camarines Sur — Binisita ni ATI National Director Remelyn R. Recoter ang mga representante ng pribadong sektor na may mahalagang partisipasyon sa agrikultura sa rehiyon ng Bikol kung saan imbitado sya sa isang pagpupulong ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Una rito ang San Agustin-San Ramon Agrarian Reform Farmers Cooperative (SARFC) sa Bula, Camarines Sur na aktibong partner ng Kagawaran sa Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program.
Matapos nito, nakipag-kumustahan din si Director Recoter kay Engr. Ray Deloverges, may-ari ng Deloverges Agri-Farm, isang ATI-certified Learning Site for Agriculture (LSA) na matagumpay na isinusulong ang produksyon, pagproseso at pagbenta ng dahon ng gabi sa lokal at internasyonal na merkado. Sa nasabing LSA, itinanim ni Director Recoter ang isang passion fruit seedling bilang paggunita ng kanyang pagbisita sa nasabing lugar.
Nagkaroon rin ng pagkakataong makadaupang-palad ni Director Recoter si Mr. Jomarie Leo Florece, Executive Director ng Bicol LSAs, Inc. upang higit pang pa-igtingin ang panukalang Top555 Agro Enterprise Clustering Approach (AECA).
Taus-pusong pasasalamat sa pamunuan ng Deloverges Agri-farm at San Agustin, San Ramon Farmers Cooperative sainyong pagpaunlak na aming mabisita ang inyong lugar!
Maraming Salamat sayong pagbisita, Director Remie! Malaking karangalan para sa amin na muling napuntahan ninyo ang ATI Bicol.