Tue, 06/17/2025 - 16:35

0b4d01be-e825-4ee4-a2f7-d62c8f18ae9e.jpg

Nagsagawa ng pagsasanay ukol sa Rice-Based Integrated Farming System (RBIFS) noong Mayo 7-9, 2025 sa Barangay Marasat Grande, San Mateo, Isabela ang Ramis Agro Farm and Technical Training Center, Inc., isang accredited Regional Regular PAF-ESP ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center II (ATI-RTC 02).

Ang pagsasanay ay may layuning makapagbigay ng kaalaman sa mamamayan sa tatlumpung farmer-leaders, partikular na ang mga Chairperson ng Barangay Agriculture and Fishery Council (BAFC) mula sa iba't ibang barangay ng San Mateo.

050356a3-4538-4f05-855c-b73f1b5d7247.jpg

Pinagsama-sama rito ang iba't ibang aspeto ng pagsasaka na may layuning makamit ang mas mataas na ani, mas maraming mapagkukunan ng kita, at mas epektibong paggamit ng lupain at iba pang likas na yaman.

Umaasa ang mga kalahok na maibahagi ang mga natutunan at maisagawa ito sa kani-kanilang mga sakahan. Sa ganito ay, unti-unting makakamit ang makabago at likas-kayang agrikultura, at maitatag ang isang matibay na sektor sa agrikultura.

Ni: Adonis Aaron Uy

article-seo
bad