TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Wagi ang Career Development and Management Section (CDMS) ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON sa katatapos na ikalawang In-House Assessment ng ahensya.
Nasungkit ng CDMS ang unang karangalan sa Best Paper at Best Poster para sa kanilang proyektong, “Laying the Foundation through ETMCD Towards Developing New Breed of Competent and Adaptive AEWs via Knowledge Mentoring and Exchange.”
Samantala, narito ang kumpletong mga nagwagi sa nasabing patimpalak:
Best Project Poster:
1st place: “Laying the Foundation through ETMCD Towards Developing New Breed of Competent and Adaptive AEWs via Knowledge Mentoring and Exchange” ng CDMS
2nd place: “PIA: Translating Data into Action”” ng Planning, Monitoring and Evaluation Unit (PMEU)
3rd place: “Optimizing Social Media for Agri-Fishery Information Dissemination” ng Information Services Section (ISS)
Best Project Paper:
1st place: “Laying the Foundation through ETMCD Towards Developing New Breed of Competent and Adaptive AEWs via Knowledge Mentoring and Exchange” ng CDMS
2nd place: “SOIL: Scaling Organic Certification Frontiers” ng Partnerships and Accreditation Section (PAS)
3rd place: “Halaman sa Bahay Kalinga” ng PAS
Hinangaan naman ng Deputy Director ng ATI, Dir. Antonieta Arceo ang ahensya sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad. “Sa pag-iikot naming sa regions, kayo ang nagiging benchmark nila. Malaki ang pasasalamat ko sa inyo for this kind of activity—for your innovations,” saad ni Dir. Arceo sa kanyang panghuling pananalita na sya ring pinuno ng mga hurado.
Malaki naman ang pasasalamat ni Center Director, Dr. Rolando Maningas, at ang Training Management Team na pinangungunahan ni OIC-Assistant Center Director, Bb. Sherylou Alfaro sa mga nagsilbing hurado o evaluators na sina, Dr. Ana Clarisa Mariano, Provincial Agriculturist ng Quezon, Dr. Almira Magcawas, Cavite State University Extension Director/STAARRDEC Consortium Director at Dir. Antonieta Arceo, ATI Deputy Director.
Ang ikalawang In-House Assessment ay ginanap noong ika-2 ng Hunyo 2023 na may temang, Exploring Service Innovations toward a Sustainable Agriculture and Fisheries Extension.”