33 bagong coconut specialists, magsisilbing kaagapay sa pagpapaunlad ng industriya ng niyog

Wed, 04/02/2025 - 11:35
33 bagong coconut specialists.jpg

 

TAYABAS CITY, Quezon –Tatlumpu't tatlo (33) magniniyog at agricultural extension workers (AEWs) mula sa CALABARZON ang matagumpay na nagtapos sa Specialist Course on Coconut Production and Management ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON noong Marso 17–27, 2025 sa St. Jude Coop Hotel.

Layon ng sampung araw na pagsasanay na palalimin ang kaalaman ng mga kalahok sa modernong teknolohiya at pamamahala sa niyog upang suportahan ang mga magsasaka sa kani-kanilang komunidad at itaguyod ang mas produktibong industriya ng pagniniyog sa rehiyon.

Kabilang sa mga itinuro ang paggamit ng hybrid coconut varieties, tamang distansya ng pagtatanim, integrated pest management (IPM), at pagpigil sa sakit at peste. Tinalakay rin ang mga pamamaraan ng value-adding tulad ng paggawa ng virgin coconut oil at coco sugar upang madagdagan ang kita ng mga magniniyog.

“This training serves as a refresher to me, and it’s a great experience because as an AEW, we need to be equipped with more knowledge in our field of work. I will re-echo the knowledge that I gained and learned to the farmers in our community so that they will be able to apply them in their daily farming activities,” pahayag ni G. Mel Fred Umpad ng San Francisco, Quezon.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng diversified farming system, kung saan maaaring isama ang mga halaman at hayop sa niyugan para sa dagdag na kita.

Inaasahang magiging lokal na tagapagsanay ang mga bagong coconut specialists at magsisilbing tulay ng teknolohiya at inobasyon para sa patuloy na pagsulong ng sektor ng niyog sa rehiyon.

Ulat ni: Hans Christopher Flores

 

article-seo
bad