ATI CALABARZON, pinangunahan ang pagpupulong kasama ang mga katuwang sa ekstensyon

Fri, 02/07/2025 - 15:13
ExtensionMeeting.JPG

TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Sa pangunguna ng DA-ATI CALABARZON, matagumpay na naisagawa ang taunang “Hiatus to Invictus: Regional Consultative Meeting for AFE Stakeholders” noong Pebrero 5, 2025 sa DA-ATI CALABARZON Training Hall.

Dumalo sa pagpupulong ang mga kaagapay na ahensya at samahan, kabilang ang mga kinatawan mula sa National Government Agencies (NGAs), State Universities and Colleges (SUCs), private extension partners, at mga kinatawan ng mga Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor at Beterinaryo mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

Layunin ng gawain na ilahad ang mga naisakatuparang aktibidad ng DA-ATI CALABARZON sa taong 2024, ibahagi ang mga plano ng ahensya para sa 2025, alamin ang mga pangangailangang pangkasanayan ng mga katuwang, at higit pang palakasin ang kolaborasyon ng DA-ATI CALABARZON at mga katuwang nito.

Sa pagtatapos ng programa, ipinaabot ni Center Director Dr. Rolando V. Maningas, na ang layuning pagyamanin at paunlarin ang sektor ng agrikultura ay magiging posible sa pamamagitan ng makabuluhang pagtutulungan. Nagpasalamat din si Dr. Maningas sa lahat ng nakiisa at nagsisilbing ‘tanglaw’ upang lalo pang mapabuti at mapagtibay ang sektor sa rehiyon.

 

“Sa paglalakbay natin sa ating patutunguhan, iisa lamang po ‘yan – palaguin, pagyamanin, at paunlarin ang kabuhayan ng ating magsasaka at mangingisda. Kailangan natin ng tanglaw, at para magkaroon tayo ng tanglaw na ito, kailangang meron tayong pagkakaintindihan at appreciation sa ating mga programang ini-implement,” pahayag ni Dr. Maningas.

 

Ulat ni: Cristine Jan Beler

 

article-seo
bad