AGRISTUDIO LIVE, Season 5 na!

Thu, 03/14/2024 - 11:45
agri studio season 5.png

 

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Negosyo, kita, at kabuhayan – ito ang sentro ng talakayan ng muling pagbubukas ng AgriStudio Live: ATIng Talakayan sa CALABARZON ngayong Marso ng kasalukuyang taon.

Sa bago nitong season, pag-uusapan ang mga kumikitang kabuhayan mula sa pagsasaka gayundin ang makapagbigay ng plataporma na maghatid ng dagdag impormasyon kaugnay sa pagsasaka.  Magsisilbing mga panauhin ng AgriStudio Live ang mga kooperatiba at mga samahan ng mga magsasaka. Bibida rin dito ang mga piling Learning Site for Agriculture (LSA) ng DA-ATI CALABARZON.

Mapapanuod ang AgriStudio Live simula ika-18 ng Marso hanggang ika-29 ng Abril tuwing Lunes at Miyerkules ng alas-10 ng umaga sa opisyal na Facebook page at YouTube channel na ATI CALABARZON.

Magiging host ng programa si G. Archie C. Lansasagin, kawani ng DA-ATI CALABARZON, bilang bagong tagapangasiwa o host ng programa.  

Sundan ang mga link na ito upang mapanuod ang programa:

Facebook page: https://www.facebook.com/ATIRegion4A

YouTube: https://www.youtube.com/@aticalabarzon6225

 

article-seo
bad