TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Tatlumpung (30) Agricultural Extension Workers (AEWs) mula sa iba’t – ibang bayan ng rehiyong CALABARZON ang nagsipagtapos sa unang batch ng "Refresher Course for Agricultural Extension Workers na may titulong “Instilling Knowledge on the Strategic Clustering Approach for Rice-Based Enterprise and Technology Updates” noong ika-22 hanggang ika-26 ng Abril, 2024 sa DA-ATI CALABARZON, Brgy. Lapidario, Trece Martires City, Cavite. Layunin ng aktibidad na pahusayin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa AgroEnterprise Clustering Approach o AECA.
Ang limang na araw na pagsasanay ay isinagawa ng Agricultural Training Institute sa CALABARZON, sa pakikipagtulungan ng DA-Regional Field Office IVA (DA RFO IVA) at Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Los Baños. Pinangunahan ni ATI CALABARZON Training Center Superintendent II, Dr. Rolando V. Maningas kasama si Bb. Jhoanna O. Santiago, F2C2 Focal Person ng DA RFO IVA ang pagbubukas ng pagsasanay.
Ibinahagi ng tagapagtalakay mula sa DA-RFO IVA na sina Bb. Jhoanna O. Santiago, Maria Ana S. Balmes, Jacqueline G. Sunga, Richmond O. Pablo at Christie C. Sagritalo ang iba’t ibang paksa tungkol sa DA Masagana Rice Program, Rice Industry Situationer at modyul ng AECA. Samantala, tinalakay naman ni Dr. Michelle C. Quimbo mula sa PhilRice LB ang Plans, Projects and Programs ng DA-PhilRice.
Naghatid din ng mensahe si OIC, Asst. Center Director Ms. Sherylou C. Alfaro sa mga nagsipagtapos sa pagsasanay. Nagpasalamat din siya sa lahat ng naging bahagi upang maging matagumpay ang nasabing pagsasanay.
Ang kurso ay isang accredited training program ng Professional Regulation Commission kung saan ang mga kalahok ay makakatanggap ng 9 Continuing Professional Development (CPD) points.
Ulat ni Bb. Janine Cailo