LFTs ng CALABARZON, Nagsanay ukol sa Agroenterprise Development

Tue, 05/30/2023 - 00:43
LFTs ng CALABARZON, Nagsanay ukol sa Agroenterprise Development

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Matagumpay na naisagawa ang unang batch ng Refresher Course for Local Farmer Technicians (LFTs) na may titulong "Training on Rice Technology Updates and Agroenterprise Development for LFTs” na pinangunahan ng Partnerships and Accreditation Section (PAS) ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON. Ito ay nilahukan ng dalawampu’t tatlong (23) LFT mula sa iba’t ibang bayan sa CALABARZON.  

Katuwang sa pagpapatupad ng pagsasanay ang DA Regional Field Office (RFO) IV-A, Philippine Rice Research Institute-Los Baños(PhilRice-LB), Bureau of Animal Industry-National Swine and Poultry Research and Development Center (BAI-NSPRDC), Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), gayundin ang Calungsod Integrated Farm, isang Learning Site for Agriculture ng DA-ATI CALABARZON na matatagpuan sa Brgy. Anastasia, Tiaong, Quezon.

Sa araw ng pagtatapos, ibinahagi ng mga piling mga kalahok ang mahahalagang natutunan nila at kanilang pasasalamat sa programa. Ani G. Rolando P. Leoncio, LFT mula sa Atimonan, Quezon, “Nagpapasalamat kaming mga LFT dahil patuloy na dinadagdagan ang aming kaalaman sa mga gawain na katulad nito.” Samantala, nagpaabot ng pasasalamat at mensahe ng pagsuporta sina Ms. Sherylou C. Alfaro, OIC Assistant Center Director ng DA-ATI CALABARZON, at Ms. Maricris O. Ite, Rice Focal Person ng DA RFO IV-A.  

Bilang pangwakas na pananalita, nagbigay ng pagbati at mensahe si Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON, sa mga kalahok. Aniya, “Nawa ang pagsasanay na ito na nakatuon sa AgroEntropreneurship ay nakapagpaabot ng napapanahong impormasyon sa rice program at naging kapakipakinabang sa inyo bilang mga food frontliners ng ating sektor at bilang mga negosyanteng Local Farmer Technicians ng ating rehiyon.”  

Ang nasabing gawain ay ginanap sa DA-ATI CALABARZON, Trece Martires City, Cavite noong ika-22 hanggang ika-26 ng Mayo, 2023. Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa iba't ibang Rice Technology Updates at Agroenterprise Development. 

article-seo
bad