Ang Pagsasaka, Pinagmulan at Tanging Yaman
lpinanganak at lumaki sa lalawigan ng Albay sa Bicol, kinagisnan na ni Gng. Amelia "Amy" N. Ramos ang pagsasaka simula bata pa lamang. Panganay sa limang magkakapatid, natutunan ni Amy ang pagsasaka mula sa kanyang mga magulang na katulad niya ay mga magsasaka rin. "Elementary pa fang kami ay tinuturuan na kami kung paano magtanim ng mga gulay, niyog at saging dahil ang aming mga magulang ay masisipag sa larangan ng pagsasaka," bahagi ni Amy. Subalit, natigil pansamantala si Amy sa pagsasaka nang lumipat siya sa Quezon City upang magtrabaho bilang Filing Clerk at Messenger sa isang law office. Pagkalipas ng tatlong taon, nanirahan na si Amy sa Buenavista, Quezon kung saan nakilala niya ang kanyang asawa at biniyayaan sila ng anim na anak. "May tubigan dito sa Buenavista ang asawa ko kaya natutunan ko ang pagsasaka ng palay," kwento ni Amy. Namulat sa larangan ng pagsasaka, kinahiligan na rin ito ng kanyang bunsong anak na si Reena. Sa katunayan, ang kursong kinukuha niya sa kolehiyo ay Bachelor of Science in Agriculture.
Malaki ang benepisyong dulot ng pagsasaka, partikular ang pagpapalayan para sa pamilya ni Amy. Nakakatulong ang kita nila na pandagdag sa pang araw-araw na mga gastusin. Dagdag pa rito, nakakatipid din sila dahil may sariling bigas silang isasaing at ihahain sa buong pamilya. Bukod sa palay, nagtatanim din sila ng mais, saging, sili, kamatis, talong, sitao, papaya at kalabasa. Pagsasaka ang tanging yamang maipamamana ni Amy sa kanyang pamilya.
Local Farmer Technician, Katuwang sa Pagbabahagi ng Kaalaman at Kasanayan
Binigyang-tuon ni Amy ang pagpapalayan na kalaunan ay nagamit niya ang kanyang mga kaalaman bilang Local Farmer Technician o LFT. "Ako ay nagsimulang magsanay bilang LFT noong 2012. Rice farming aka nag-focus dahil nandun ang knowledge ko simula nung naging LFT aka," pagbabahagi ni Amy. Simula nang maging LFT, marami na siyang dinaluhan na pagsasanay mula sa Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON. Malaking pasasalamat niya dahil nalaman niya ang tamang pamamaraan sa pagtatanim ng palay. Si Gng. Marissa Hazan, Regional LFT adviser at Regional Integrated Pest Management (1PM) Coordinator mula sa DA Regional Field Office IV-A, ang gumagabay sa kanya sa mga gawain bilang LFT. Lahat ng kanyang natutunan ay ibinabahagi niya sa mga mag papa lay sa bayan ng Buenavista. "Nagsasagawa na kami ng Farmers' Field School o FFS sa mga barangay na may rice field kung saan ina-apply namin ang pag-aaral sa PalayCheck System mu/a sa pagpili ng binhi hanggang sa pagtutuyo ng palay," saad ni Amy. Ngunit, kaakibat nito ay mga pagsubok na kanyang kinaharap tulad na lamang ng peste, bagyo o iba pang kalamidad. Dagdag pa niya, "isa pa sa mga naging pagsubok ko bilang LFT ay ang schedule ng training dahil minsan naiiwan ko ang anak ko na may sakit.
Pero nakatatak na sakin yung pagpupursige na gusto ko maging ,mahusay na LFT." Sa kabila nito, nanatiling matatag si Amy na malampasan ang mga suliraning ito. Hindi masusukat ang sakripisyo at kontribusyon ni Amy sa kanilang komunidad at bayan. Bilang LFT, patuloy niyang ibinabahagi ang kaalaman sa makabagong teknolohiya at best practices na nakakatulong at nagdudulot ng malaking kapakinabangan sa kanilang ani. "Dati rati ang average na ani ng mga magsasaka rito, ang pinakamataas nila ay 70 sako sa isang ektarya pero sa pamamagitan ng mga pag-aaral umabot na ng 150 kaban per hectare," pagmamalaki ni Amy.
Lubos na ipinagmamalaki si Amy ng kanyang mga kasamahan sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor dahil sa angking kahusayan niya. Isa na rito si Gng. Reynette Loayon, Municipal Agriculturist ng Buenavista. "Bilang siya ay isa sa masipag na LFT, marami siyang naiambag sa aming bayan lalo't higit sa larangan ng pagpapalay. Sa katunayan, si Tita Amy ang isang dahilan kung bakit mataas ang ani ng bawat magsasakang magpapalay sa aming bayan," pagmamalaki niya. Masayahin at maasahan, yan naman ang turing ni Bb. Sharmaine Nojor, Agricultural Technologist, kay Amy. 'Di alintana ang nararamdamang pagod, palagi pa ring nakangiti at bukas sa pagbabahagi ng kaalaman sa pagpapalay si Amy.
Ayon nga kay Sharmaine, "Ang kontribusyon ni Tita Amy bilang LFT dito sa Buenavista, Quezon ay natulungan ang ating magsasaka kung paano ang tamang prose so sa pagtatanim ng pa lay hanggang sa pag ha-harvest." Pagpupugay at saludo ang hatid ng iba pang mga kawani ng kanilang tanggapan kay Amy. Nagbunga lahat ng dedikasyon at pagmamahal ni Amy sa pagsasaka.Nakatanggap siya ng mga pagkilala mula sa Kagawaran ng Pagsasaka.Noong 2016, itinanghal siya bilang "Outstanding LFT in CALABARZON." lginawad naman sa kanya ang "Rice Achiever Award" taong 2019.
Pagyakap sa mga Pangarap
Patuloy sa pagkamit ng adhikain si Amy bilang isang ina at LFT. Nais niyang mapagtapos ng pag-aaral ang dalawa niyang anak. Hangad din niya na tangkilikin ng mga magsasaka sa kanilang bayan ang agri-enterprise upang magbukas ng oportunidad sa bawat isa na ang pagsasaka ay isa ring negosyo na maaaring pagkakitaan. Patuloy sa pagsusumikap si Amy sa layuning lalo pang mapaunlad ang pagpapalay sa Buenavista. Hindi iniinda ang matinding sikat ng araw at pawis para maglingkod at magbigay serbisyo sa kanyang mga kababayan. Gusto niyang iparating sa kanyang mga kapwa magpapalay na huwag tumigil sa pagtuklas sa pamamagitan ng mga pag-aaral at pagsasanay na binibigay ng pamahalaan lalong lalo ng ATI at DA. Tagumpay na masasabi ni Amy kapag nakamit na ang kanyang mithiin sa buhay na makatapos ang kanyang mga anak at magkaroon ng magandang kinabukasan. "Bilang LFT, ang maiaambag ko sa bayan ng Buenavista ay yung hindi ko ipagdadamot ang aking kaa/aman, bagaman ibabahagi ang aking nalalaman sa a king kapwa magsasaka. Hangga't kaya ko hindi ako titigil bi/ang LFT," pagwawakas ni Amy.
Story by: