Memorandum of Agreement para sa 30 Sow-Level Swine Multiplier and Techno-demo Farm Project, Nilagdaan
SILANG, Cavite Province—Pinagunahan ng DA- Agricultural Training Institute Regional Training Institute CALABARZON, Silang Livestock Agriculture Cooperative (SLAC) at Lokal na Pamahalaan ng Silang, Cavite ang pagselyo sa Memorandum of Agreement para sa 30 Sow-Level Swine Multiplier at Techno-demo Farm Project noong ika-30 ng Marso sa Opisina ng Pambayang Agrikultor, Brgy. Iba, Silang, Cavite.
Dumalo at nagpahayag ng suporta sa programa sina Atty. Alston Kevin A. Anarna, Punong-Bayan ng Silang Cavite, Dr. Rolando V. Maningas, TCSII/Center Director ng DA-ATI CALABARZON, G. Lynil A. Torres, General Manager ng Silang Livestock Agricultural Cooperative. Bb. Adelia V. Poblete, Pamabayang Agrikultor ng Silang, Cavite at Dr. May M. Magno, Palalawigang Beterinaryo ng Cavite.
Ang programa ay bilang pagsuporta sa proyekta ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) na naglalayong mapataas ang bilang at antas ng kalidad ng lahi ng baboy sa bansa.
Para sa tuloy na implementasyon ng proyekto, nakatakda ang groundbreaking ngayong Abril 2023.
Ulat ni Marian Lovella Parot