Selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan sa DA-ATI CALABARZON

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Nakiisa ang DA- ATI CALABARZON sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong buwan ng Marso. Kasabay ng paglulunsad noong ika-6 ng Marso, isinagawa ang Seminar on Gender Equality: Promoting Diversity in the Workplace, na nilahukan ng mga kawani ng ahensya.
Samantala, nagsagawa naman ng iba't-ibang aktibidad tuwing Miyerkules ng buwan ng Marso, gaya ng, Zumba: Hataw na! Juan x Juana; Vision Board: Art Therapy Session; Kapehan at Kwentuhan; at Bayanihan para kay INAng Kalikasan.

Isa din sa tampok ng pagdiriwang ang My Wonder Juana: A Video Making Contest, tampok ang mga natatanging kababaihan sa larangan ng agrikultura. Nagkamit ng unang parangal ang kwento ni Ms. Maribel Orense, samantala, si Daniela Bautista ang nagkamit ng ikalawa at ikatlong parangal naman ang kwento ni Ms. Myrna Mojica.

"WE for Gender Equality and Inclusive Society" ang tema ngayong taon hanggang 2028. Layunin ng pagdiriwang na ito na ipagdiwang ang mga tagumpay ng kababaihan habang kinikilala ang mga hamon na patuloy nilang kinakaharap sa pagkamit ng pagkakapantay-pantay ng kasarian. Ito din ay isang pagkakataon para sa mga indibidwal at organisasyon na magkaisa at magtrabaho tungo sa paglikha ng isang mas makatarungan at pantay na lipunan para sa lahat.
Ulat ni: Ms. Julie Ann A. Tolentino