BAFE Orientation, Isinagawa ng DA-ATI CALABARZON

Mon, 07/17/2023 - 11:19
BAFE Orientation, Isinagawa ng DA-ATI CALABARZON

LUCENA CITY, Quezon – Matagumpay na isinagawa ang isang araw na oryentasyon patungkol sa "Strengthening of Agricultural and Biosystems Engineering (ABE) Group at the Local Government Units (LGUs) in CALABARZON” na pinangunahan ng Partnerships and Accreditation Section (PAS) ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON. Ito ay dinaluhan ng walumpung (80) kalahok mula sa iba’t ibang bayan sa CALABARZON. 

Katuwang sa pagpapatupad ng aktibidad ang Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering Program and Project Management Division (BAFE-PPMD) at DA - Regional Field Office IVA (RFO) IV-A Regional Agricultural Engineering Department (RAED).

Sa pagbubukas ng programa, nagpaabot ng pasasalamat at mensahe ng pagsuporta si Engr. Ariodear C. Rico, Director IV ng BAFE. Ibinahagi rin niya ang paksa tungkol sa pagbuo ng Office of the Provincial City and Municipal ABE at Farm to Market Road Network Plan (FMRNP). Naging tagapagtalakay din sina Engr. Emer-Rose G. Asug, Engineer III, at Engr. Abigail R. Barredo, Engineer mula sa BAFE-PPMD. Tinalakay nila ang Programs and Projects of the LGU ABE Offices at Capacity Development Programs of BAFE.

Bilang pangwakas na pananalita, nagbigay ng mensahe si Bb. Sherylou C. Alfaro, OIC Assistant Center Director ng DA-ATI CALABARZON, sa mga kalahok. Aniya, “Pinapahalagahan namin sa DA-ATI ang inyong propesyon bilang mga katuwang sa pag-abot sa ating layunin na magkaroon ng Masaganang Agrikultura at Maunlad na Ekonomiya.”

Ang nasabing gawain ay ginanap sa Ouans The Farm Resort, Brgy. Kanlurang Mayao, Lucena City, Quezon noong ika-12 ng Hulyo, 2023. Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman ng mga kalahok sa istraktura ng organisasyon, istruktura ng pagta-tao at balangkas para sa pagpapatupad ng pagsasapamuhay ng mga makinarya at kagamitan sa agrikultura at pangisdaan na kinokonsidera ang kanilang mga pangangailangan sa serbisyo at kakayahang pinansyal.

Ulat ni Bb. Mary Grace P. Leidia

 

article-seo
bad