Dalawampung Sinanay na Meat Inspectors, Tutugon Sa Hamon

Tue, 07/18/2023 - 10:50
Dalawampung Susunod na Meat Inspectors, Tumugon Sa Hamon

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Matagumpay na idinaos ng DA- ATI CALABARZON katuwang ang NMIS RTOC IV-A ang pagtatapos sa dalawampung  araw na pagsasanay na “Basic Meat Inspection Course”  sa Brgy. Inocencio Covered, sa lungsod na ito.

Ang pagsasanay ay nahahati sa dalawang (2) bahagi, ang sampung (10) araw na talakayan ng paksa sa proseso ng Meat Inspection hanggang Meat Safety and Quality Assurance at ang huling sampung (10) araw naman ay ang aktwal na pagsasagawa o practicum ng mga kalahok mula sa mga naitalakay sa paksa. Layunin ng pagsasanay na mahubog ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok na maging ganap na meat inspector sa kani-kanilang lugar.

Isang natatanging impresyon ang ibinahagi ng nagkamit ng pinamataas na marka sa pagsasanay na si Dr. Desiree Del Mundo ng Lungsod ng Trece Martires. “It was a 20-day roller coaster ride, but the most significant part of this training is the application part. Pag-uwi natin ay baon natin lahat ng natutunan natin at sasabak tayo sa tunay na laban. Bago tayo maghiwa-hiwalay, let me leave you with this statement: You didn’t come this far to only come this far. Maraming salamat po NMIS at DA- ATI CALABARZON sa pagtitiyaga sa amin. See you around!”

Nagpaabot naman ng mensahe ng pasasalamat at paghamon ang Regional Technical Director ng DA NMIS RTOC IVA na si Dr. Fernando Lontoc at si Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA- ATI CALABARZON. Kinilala din nila ang pagtitiyaga at determinasyon ng mga nagsipagtapos, gayundin din ang sipag at tiyaga ni Dra. Mariel R. Rebosura, NMIS RTOC IV-A MSDCPS Section Head at ni Ms. Marian Lovella A. Parot, DA- ATI CALABARZON Training Specialist II/ Project Officer sa nasabing pagsasanay. Ang mga nagsipagtapos ay nakatanggap ng 60 CPD units para sa Agriculture at 20 CPD units para sa Veterinary Medicine mula sa pagsasanay na ito.

Ginanap ang pagsasanay noong ika 20-Hunyo hangang ika-14 ng Hulyo taong kasalukuyan sa DA-ATI CALABARZON, Compound at sa iba’t-ibang meat establishments sa CALABARZON.

 

article-seo
bad