Stephanie Viterbo ng FITS-Magdalena, Itinanghal bilang Kampeon sa Ekstensyonistang OA 2023

Wed, 10/25/2023 - 14:57
Stephanie Viterbo ng FITS-Magdalena, Itinanghal bilang Kampeon sa Ekstensyonistang OA 2023

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng 1st Regional Research and Innovation Week (RRIW), isinagawa ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON kasama ang Southern Tagalog Agriculture, Aquatic and Resources Research, Development and Extension Consortium (STAARRDEC) ang Ekstensyonistang OA 2023, isang quiz contest para sa Agricultural Extension Workers (AEWs) mula sa rehiyon ng CALABARZON na nakatuon sa iba’t-ibang OA technologies and practices

Ang naturang quiz bee na nasa ikaapat na taon na ay ginanap sa CEC Hall, University of the Philippines Los Banos, College, Laguna.  Nagsilbing arbiters sina Dr. Juanita San Jose ng Southern Luzon State University, G. Brian Belen mula naman sa Marelson’s Farms, isang certified Learning Site for Agriculture (LSA) kasama si G. Aries C. Labonera mula naman sa Regulatory Division ng Department of Agriculture Regional Field Office IV-A. 

Itinanghal na Ekstensyonistang OA 2023 si Bb. Stephanie T. Viterbo mula sa Office of the Municipal Agriculturist (OMA) ng Magdalena, Laguna.  Samantala ang nasabing patimpalak ay nilahukan ng AEWs mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan ng Laguna, Rizal at Quezon.

Narito rin ang tala ng mga nagwagi: 

2nd place – Maria Catherine C. Castillo, OPA Quezon

3rd place – Angelica Camille M. Opeña, OCA Calamba City

4th place – Russel M. Manuba, OPA Quezon

5th place - Marites Valencia - OCA Cabuyao

6th place – Genesis Joy Evangelista

7th place – Jessica F. Nera, OPA Quezon

8th place – Shamah Reynaldo, OCA Sta. Rosa

9th place – Rose Christy V. Mata, OMA Morong

10th place – Patricia Obico, OMA Alaminos

“Ang aking taos-pusong pagbati at pasalamat sa walang-kapantay na husay at galing na ipinamalas ng mga bawat teknikong narito. Palakpakan niyo naman ang inyong mga sarili. Para sa amin sa DA-ATI CALABARZON, kayong lahat ay mga kampeon ng Ekstensyonistang OA!” saad ni DA-ATI CALABARZON Training Center Superintendent II/Center Director Dr. Rolando V. Maningas sa kanyang pangwakas na pananalita. 

Samantala, hindi naman makapaniwala si Bb. Viterbo na siya ang nag-uwi ng kampeonato para sa taong ito. Nagpasalamat din siya sa suportang ibinigay ng OMA Magdalena at Office of the Provincial Agriculturist- Laguna sa nasabing kumpetisyon.

Ulat ni: Bb. Soledad Leal

 

article-seo
bad