Kauna-unahang FFS on Organic Inland Aquaculture Production, isinagawa sa Nagcarlan, Laguna at Binagonan, Rizal

Fri, 08/30/2024 - 14:51
binangonan 2.jpg

 

Isinagawa ng DA-Agricultural Training Institute Regional Training Center CALABARZONsa pakikipagtulungan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region IV-A, Office of the Provincial Agriculturist ng Laguna at Rizal at Tangapan ng Pambayang Agrikultor ng ng mga bayan ng Nagcarlan at Binangonan ang kauna-unahang "Farmer Field School on Organic Inland Aquaculture Production" sa rehiyon. 

Ito ay nagsimula noong ika-3 ng Mayo, 2024 sa bayan ng Nagcarlan at nagtapos noong ika-19 ngAgosto, 2024 sa Brgy. Alibumbungin. Samantala, nagsimula naman ang gawain sa bayan ng Binangonan noong ika-3 ng Mayo hanggang ika-20 ng Agosto ng taong kasalukuyan saBrgy. Tatala. Ang nasabing FFS ay nilahukan ng animnapu't dalawang magsasaka mulasa mga nasabing bayan.

Nagsilbing tagapagtalakay sina G. Marvin F. Costo, Bb. Juliet Sarah D.U. Talanay at G.Jonathan F. Celestial mula sa hanay ng BFAR Rizal Provincial Office at si Bb. Maita G.Tibay mula naman sa Office of the Provincial Agriculturist para sa bayan ng Binangonanat pinadaloy nina Bb. Miriam Fernan at Bb. Heidi Libante. Samantala, nagsilbi namangtagapagtalakay ang mga kawani ng Office ofthe Provincial Agriculturist ng Laguna nasina G. Ernesto Jara, G. Nikito Estrellado at G. Claude Banjo Amorado at angkinatawan ng BFAR Region IV-A na si Bb. Reynely Cardel.

Ang nasabing FFS ay binuo ng 16 sesyon sa pinagsamang participatory lecturediscussion at experiential learnings na naayon sa nakasaad sa Philippine National Standards on Organic Aquaculture. Nagkaroon ng isang fishpond sa bawat lugar nanagsilbing learning field ng mga magsasaka mula noong Mayo hanggang Agosto.

Ang pagtatapos ay pinangunahan ni Center Director, Dr. Rolando V. Maningas atnagpasalamat mga partners sa pagpapatupad ng programang ito. Binigyang diin ni Dr.Maningas na ang FFS na ito ang kauna-unahan sa rehiyon ng CALABARZON sapakikipagtulungan sa mga nasabing tanggapan. Dumalo din sa pagtatapos ang mgakinatawan ng BFAR Region IV-A, Office of the Provincial Agriculturist ng Laguna atRizal at ang mga kawani ng Municipal Agriculture Office ng Nagcarlan at Binangonan. Ang nasabing pagsasanay ay nagsilbing hamon sa mga dumalo upang magkaroon ng
sariwa at ligtas na tilapia sa kani-kanilang mga hapag kainan at gayundin ay makapag-ani at makatulong sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay.

Ulayt ni : Bb. Sole E. Leal

 

article-seo
bad