NAGCARLAN, Laguna - Patuloy na nagsasanay ang kawani, kasangga ang grupo ng Farmer-Scientists Training Program ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) ng mga future Farmer-Scientists trainers upang mas mapaunlad pa ang industriya ng pagmamaisan sa rehiyon ng CALABARZON.
Matagumpay na nagsipagtapos ang dalawampu’t dalawang (22) tekniko mula sa “Training of Trainers on Farmer-Scientists Training Program o FSTP”, na isinagawa sa Gintong Bukid Farm and Leisure.
Naging pokus ng pagsasanay ang mga paksa patungkol sa land preparation/lay-outing of experimental trials, data collection, gathering, processing at soil test kit demonstration sa huling araw ng pagsasanay. Ang bawat grupo rin ay nagbahagi ng kanilang action plan upang mas mapahusay ang mga gagawing hakbang sa pagpapatupad ng programang FSTP.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagpaabot ng mensahe si DA-ATI CALABARZON Center Director, Dr. Rolando V. Maningas sa mga kalahok, gayundin sa mga tagapagtalakay at tagapamahala mula sa FSTP University of the Philippines Los Baños (UPLB).
Ang bawat kalahok ay inspirado at handa na sa mga susunod na yugto ng programa sa mga darating na taon.
Ang pagsasanay ay isinagawa noong ika-8 ng Agosto 2023.
Ulat ni: Daynon Kristoff Imperial