CANDELARIA, Quezon – Upang maitaas ang antas ng kaalaman at mapahusay ang kasanayan ng mga magsasaka at tekniko sa pagsasaka bilang mga potensyal na tagapagsanay sa Good Agricultural Practices (GAP) ng pagtatanim ng niyog, isinagawa ng DA-ATI CALABARZON ang limang araw na pagsasanay na "Training of Trainers on Good Agricultural Practices (GAP) for Coconut” sa Uma Verde Econature Farm, Candelaria, Quezon.
Sa pagbubukas ng programa, pinasinayaan nina Bb. Sherylou C. Alfaro, OIC Assistant Center Director ng DA-ATI CALABARZON, at G. Bibiano C. Concibido, Jr., Regional Manager III ng PCA Region IV, ang unang araw ng pagsasanay. Ito ay dinaluhan ng labing-limang (15) Farmer Leaders from Coconut Farmer Cooperatives and Associations (FCAs) at sampung (10) Agricultural Extension Workers (AEWs) na may kabuuang dalawampu't limang (25) magniniyog at tekniko mula sa rehiyon ng CALABARZON.
Nagkaroon ng pagtatalakay sa pagsasanay, tungkol sa mahalagang detalye patungkol sa GAP sa pagniniyog. Bahagi rin ng pagsasanay ang aktwal na pagtatanim ng niyog sa isinigawa rin sa bayang ito. Sa gawaing ito, nagsagawa ang mga kalahok ng pagpili ng mga materyales sa pagtatanim, layout ng sakahan, paglalagay ng pataba at pagtatanim. Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng mga technical staff mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) Region 4.
Ayun kay Beverly R. Leona, isang Farmer leader sa Gen Luna Quezon, siya’y labis na nagagalak sa training na ito dahil nagkaroon sya ng bagong kaalaman patungkol sa tamang pagsusukat ng niyog kung gaano ba kalalim dapat ang laki ng hukay, tamang distansya pag ka quadrango ng pagtanim, tamang proseso sa pagtatanim ng niyog at ang food safety.
Ayun rin naman kay Mr. Virgilio C. Amarao, isang farmer leader sa San Pablo Laguna, siya’y natuwa sa ginawang aktwal na aktibidad kung saan siya’y lumabas at nagmasid dahil sa ganda ng naging kahinatnatnan. Dagdag pa niya, nagkaroon din sya ng bagong kaalaman patungkol sa niyog at iba pang mga halaman sa pamamaraan ng pagsukat at tamang distansya sa pagtatanim nito.
Sa pagtatapos ng programa, nagpahatid ng mensahe ng pagsuporta ang Center Director ng DA-ATI CALABARZON, Dr. Rolando V. Maningas sa mga kalahok at katuwang ng programa.
Ang aktibidad na ito ay isasagawa mula ika-11 hanggang ika-15 ng Abril, 2023.
Ulat ni: Cherime Caermare