30- Sow Multiplier and Techno Demo Farm, Itatayo sa Silang, Cavite

Tue, 05/09/2023 - 13:21
groundbreaking 01

SILANG, Cavite – Isang tagumpay para sa hog raisers ng rehiyon ang makasaysayang Groundbreaking Ceremony ng 30-sow Level Multiplier and Techno-demo Farm, sa pangunguna ng Silang Livestock Agriculture Cooperative sa Barangay Litlit, sa bayang ito. Pinasinayanan ang proyekto nina Hon. Alston Kevin Anarna, Municipal Mayor ng Silang, Cavite; Dr. Ruth Miclat-Sonaco, National Director, National Livestock Program; Dr. May M. Magno, Provincial Veterinarian ng lalawigan ng Cavite; Bb. Adelia Poblete, Municipal Agriculturist ng Silang, Cavite; at Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON, nagbigay ng kaniyang pangwakas na mensahe.

groundbreaking 2and3

 Ang 30-sow Level Multiplier and Techno-demo Farm Project ay bahagi ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o INSPIRE Project. Ito ay isa sa mga inisyatibo ng Department of Agriculture (DA) para sa repopulation o pagpaparaming muli ng ating local hog inventory at supply ng pork o karne ng baboy.

groundbreaking 4and5

Bukod dito, ang multiplier farm na itatayo sa Brgy. Litlit, Silang Cavite ay may sumusunod na layunin. Una, ang produksyon at promosyon ng maganda at mainam na swine genetics. Pangalawa, upang magamit ang pasilidad para sa mga pagsasanay ng mga tekniko, magsasaka, mga mag-aaral, at iba pang interesadong indibidwal. Pangatlo, para suportahan ang ating local swine raisers, dahil madadagdagan ang breeders at breeder materials sa tulong ng nasabing proyekto. Pang-apat, ito ay dagdag suporta sa iba pang mga programa ng DA para sa paghahayupan, at panghuli, ito ay dagdag pagkain at pangkabuhayan para sa mga katuwang na kooperatiba.

groundbreakingswine1

 

Ang proyekto ay bahagi ng DA National Livestock Program sa pakikipag ugnayan ng DA-ATI CALABARZON, DA International Training Center on Pig Husbandry, DA Regional Field Office CALABARZON, Office of the Provincial Veterinarian ng Cavite, Pambayang Pamahalaan ng Silang, Cavite at ng Silang Livestock Agriculture Cooperative.

Ulat ni: Michelle Macalagay

article-seo
bad