Kasanayan sa ‘Integrated Pest Management,’ ibinahagi sa panibagong pangkat ng F2C2 rice clusters sa CALABARZON

Fri, 08/02/2024 - 16:46
Integrated pest management.JPG

 

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Sinanay ng DA-Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ukol sa Integrated Pest Management (IPM) ang panibagong pangkat ng mga magpapalay mula sa iba’t ibang rice clusters sa Rehiyon CALABARZON, mula ika-31 ng Hulyo hanggang ika-2 ng Agosto, sa DA-ATI CALABARZON. 

Sa pakikipagtulungan ng DA-Regional Field Office (RFO) IV-A at Regional Crop Protection Center (RCPC) IV-A, isinagawa ng DA-ATI CALABARZON ang huling pangkat ng Capability Enhancement for Farmer Leaders na may titulong “Empowering Rice Clusters: Advancing Knowledge on Integrated Pest Management (IPM) for Rice.”

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng mga bago at sapat na kaalaman at kasanayan ang mga kalahok tungkol sa mga pesteng insekto at sakit ng palay, at kung paano pamahalaan ang mga ito sa pamamagitan ng IPM.

Nilahukan ito ng mga magpapalay mula sa iba’t ibang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) rice clusters sa mga bayan ng Lian at San Juan sa Batangas; Gen. Trias City, Tanza, at Imus City sa Cavite; at Antipolo City, Rizal.

Sa pagsisimula ng pagsasanay, nagbigay ng mensahe ng pagsuporta ang OIC-Administrative & Finance Unit Chief ng DA-ATI CALABARZON na si G. Jaypee Patricio.

Nagsilbi namang tagapagtalakay sina Bb. Pamela Marasigan, Bb. Sierralyn Sandoval, G. Eugene Calabia, at G. Alvin Mendoza mula sa RCPC IV-A.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagbigay ng pagbati at mensahe si Bb. Jhoanna Santiago, F2C2 Focal Person mula sa DA-RFO IV-A na kinatawan ni Regional Executive Dir. Fidel Libao. 

Samantala, bilang pangwakas, nagpaabot ng pagbati sa mga nagtapos na mga magsasaka si DA-ATI CALABARZON Asst. Center Dir. Sherylou C. Alfaro. Aniya, “Ang panawagan po namin, huwag po kayo mapapagod at magsasawa po na matuto at um-attend sa mga patawag—hindi lamang ng ATI pati na rin sa mga aktibidad na makikinabang po kayo.”

Pinangunahan ang pagsasanay ng Partnerships and Accreditation Section (PAS) ng DA-ATI CALABARZON. 

Ulat ni: Mary Grace Leidia

 

 

article-seo
bad