LIPA CITY, Batangas – Sa unang pagkakataon, nagtipon-tipon ang mga kawani ng apat na sentrong pasanayan ng Agricultural Training Institute (ATI) upang makiisa sa Luzon Cluster B Sports Fest na isinagawa sa ATI International Training Center on Pig Husbandry (ITCPH), mula Pebrero 23-25.
Nilalayon ng gawain na palakasin ang ugnayan ng ATI CALABARZON, ATI MIMAROPA, ATI ITCPH, at ATI Bicol, gayundin ang pagsusulong sa sportsmanship at aktibong lifestyle ng mga kawani ng ahensya.
Sa kabila ng pabago-bagong panahon, hindi nagpapigil ang mga manlalaro mula sa apat (4) na sentrong pasanayan sa pagpapamalas ng kanilang husay at kasanayan sa iba’t ibang aktibidad sa loob ng tatlong araw. Kabilang dito ang cheerdance, volleyball, basketball, badminton, table tennis, darts, chess, scrabble, Mr. and Ms. Sports Fest 2024, dodge ball, table football, at patintero.
Aktibo namang nakibahagi sa lahat ng paligsahan ang DA-ATI CALABARZON at nag-uwi ng medalya at plake para sa mga sumusunod na kategorya:
- Champion, Volleyball (Men)
- 1st Runner-up, Cheerdance
- 1st Runner-up, Basketball (Women)
- 1st Runner-up, Volleyball (Women)
- 1st Runner-up, Table Tennis (Women)
- 1st Runner-up, Badminton (Men)
- 1st Runner-up, Darts (Men)
- 1st Runner-up, Mr. Sports Fest 2024
- 2nd Runner-up, Scrabble (Women)
- 2nd Runner-up, Table Tennis (Men)
- 2nd Runner-up, Chess (Women)
- 1st Runner-up, Table Football
- 1st Runner-up, Patintero
Samantala, pinaunlakan nina ATI Dir. Remelyn R. Recoter at ATI Asst. Dir. Antonieta J. Arceo ang awarding and closing ceremonies ng nasabing gawain. Nagpaabot din ng mensahe si Dir. Recoter sa pagtatapos ng Sports Fest.
Bilang host center, pinangunahan ng ATI-ITCPH ang pag-oorganisa ng aktibidad. Nakatakda namang isagawa sa Bicol Region ang susunod na Luzon Cluster B Sports Fest sa 2025.
Ulat ni: Archie C. Linsasagin