Mga Kabataang 4H-er ng CALABARZON, Wagi sa 4H National Farm Youth Convention

Tue, 08/08/2023 - 10:17
Mga Kabataang 4H-er ng CALABARZON, Wagi sa 4H National Farm Youth Convention

MALAY, Aklan – Kabilang ang labintatlong (13) 4-H members, coordinators, at DA-ATI CALABARZON representatives sa pangunguna ni Dr. Rolando V. Maningas, sa mga delegado ng CALABARZON para sa katatapos na 4H National Farm Youth Convention 2023 na may temang, "Expanding the Value of Leadership and Volunteerism over 70 years of 4-H Excellence “4H EVOLVE.”

Kasama sa mga aktibidad sa convention ang iba’t-ibang seremonya ng 4-H katulad ng candle lighting ceremony. Nagkaroon ng talakayan ukol sa iba’t ibang paksa patungkol sa agrikultura at leadership at nag-sagawa din ng mga kumpetisyon sa pagitan ng mga kalahok kung saan kinilala ang mga kalahok mula sa rehiyon na nagpamalas ng kanilang husay, talino at talento sa iba’t ibang larangan ng patimpalak.

Tagumpay sa Agri-Innovation Pitching na nagkamit ng ikalawang pwesto sina G. Chrisanto Glindro at Bb. Leanne Quina Cabangon mula sa lalawigan ng Quezon.  Wagi naman sina Bb. Jeica Dimatatac at G. Marwin De Torres mula sa Batangas na nauwi ang ikalawang pwesto sa Himig Handog Singing and Song Writing competition. Dagdag pa rito, pinatunayan ni G. Michael Cernitchez ng San Pablo, Laguna na kaya nating makipagsabayan pagdating sa pambansang kalakalan nang masungkit ang ikatlong pwesto sa Promotional Merchandise Making.  

Samantala, nakabilang naman bilang finalist si G. Benjie Lovado para sa National Excellence Achievers Awards, gayundin sina Bb. Marites Malijan bilang Most Outstanding Coordinator, G. Jayve Mansibang bilang Most Outstanding 4H Member at G. Gilbert Respida sa Short Film Making.

Ulat ni: Roy Roger Victoria II

article-seo
bad