Tayabas City, Quezon. Bilang pakikiisa sa pagdriwiang ng National Organic Agriculture Month, isinagawa ng DA-Agricultural Training Institute Regional Training Center CALABARZON (DA-ATI CALABARZON) katuwang ang Department of Agriculture Regional Field Office IV-A, Office of the Provincial Agriculturist ng Quezon at Local Government ng Tayabas City, ang Training of Trainers on Participatory Guarantee System (PGS) mula ika-5 hanggang ika-17 ng Nobyembre, 2023 sa LUPA Hall, Municipal Compound ng nasabing siyudad. Dumalo sa pagsasanay ang dalawampu’t limanga kalahok na kinabibilangan ng mga magsasakang bubuo ng PGS Core Group, mga kinatawan mula sa Office of the City Agriculturist, at mga kinatawan mula sa DA-Regional Field Office IV-A.
Bilang mga tagapagtalakay sa sampung araw na pagsasanay, naglingkod sina G. Arnaldo P. Gonzales, G. Jun Villarante at G. Marianito Mendoza, Jr. mula sa Department of Agriculture - Regional Field Office IV-A Organic Agriculture Program at Regulatory Division. Ang mga kawani mula sa Partnerships and Accreditation Section (PAS) ng DA-ATI CALABARZON naman ang namahala sa nasabing pagsasanay.
Nagkaroon ng mga talakayan, palitan ng karanasan, kuro-kuro, at mga workshop upang mabuo ang Manual of Operations ng nabanggit na grupo gayundin ay upang maihanda ang kanilang mga taniman sa certification ng Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS).
Ang highlights ng pagsasanay ay ang aktwal na inspeksyon na tinatawag na "Peer Review" sa lenggwaheng PGS na isinagawa sa mga taniman ng mga kalahok mula sa nasabing mga siyudad. Nagkaroon ang mga kalahok ng pagkakataon na maipakita ang kanilang natutuhan sa mga nakaraang araw at bigyang-pansin ang mga tamang gawain ng isang Peer reviewer, pati na rin ang mga kinakailangang sundin na nakasaad sa Philippine National Standards on Organic Agriculture at iba pang teknikal na regulasyon.
Samantala, nagpadala ng mensahe ng suporta sa ganitong inisyatibo si Kgg. Senador Cynthia A. Villar, Chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food at pangunahing may-akda ng Republic Act 11511, ang batas na nag-amyenda sa Organic Agriculture Act of 2010 o ang Republic Act 10068.
Pinangunahan ni Center Director Dr. Rolando V. Maningas ang pagsisimula ng pagsasanay at dinaluhan naman ni Bb. Vira Elyssa Jamolin, Chief ng Career Development Management Section (CDMS) ang pagtatapos nito.
Nagpasalamat naman ang mga kalahok sa pamamagitan ng mga impresyon na inilahad ng mga piling kalahok.
Nilayon ng pagsasanay na mahasa ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok ukol sa pagtatatag at operasyon ng Participatory Guarantee System na naaayon sa pambansang pamantayan ng Organikong Pagsasaka.
Ulat ni : Ms. Sole E. Leal