Isa sa mga isyung kinahaharap ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas ang paghasa ng bagong henerasyon ng magsasaka. Bilang tugon dito, lumilikha ang pamahalaan, kabilang ang Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI), ng mga programa at mga oportunidad upang himukin ang mga kabataan na tahakin ang iba't ibang karera sa nasabing sektor. Isa ang Filipino Young Farmers Internship Program (FYFIP) sa mga programa na naglalayong hasain ang kabataang magsasaka tungo sa makabagong teknolohiya at pagiging ganap na Agripreneur. Sa taong 2022, ang mga napiling tumanggap ng internship program ay ipinadala sa Taiwan upang doon manirahan at magtrabaho sa loob ng labing-isang (11) buwan, tungkol sa kanilang napiling larangan.
Si Keith Ryzon Cef\idoza, 33-taong gulang mula sa Tanay, Rizal ay isa sa tatlong nakapasa sa internship program na nagmula sa rehiyon CALABARZON. Si Keith ay maagang namulat sa pagsasaka. Aniya, "Mula pagkabata, nandito aka sa farm namin, kasama ang aking mga /olo at Iola. Doon nagsimula ang pagmamahal ko sa agriculture--sumasama fang sa farm, although taga-kain fang most of the time. But, masasabi ko na doon nagsimula yung calling or bokasyon para mag-engage sa farming." Si Keith ay may matibay na ugnayan sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa kanilang lugar kung saan niya nakuha ang impormasyon tungkol sa internship. Dagdag niya, naka-fo//ow rin siya sa Facebook page ng DA-ATI CALABARZON na naging daan upang malaman niya ang iba pang detalye ng programa. Hindi naging madali para kay Keith ang preparasyon para sa internship-pagkumpleto ng requirements dahil sa mga restriction na dulot ng pandemya. Isa pa sa naging preparasyon niya ay ang pagkuha ng Mandarin lessons at pre-departure seminars mula sa academic institutions at agricultural organizations.
Si Avi Mark Puntanar, 24 taong-gulang na tu bong San Pablo City, Laguna, ay humarap din sa parehong pagsubok bago tumulak patungong Taiwan. Kuwento ni Avi, "Sobrang hirap na mag-asikaso ng requirements sa panahon ng pandemya: nandyan ang mga swab test, pagpapabakuna, at mga dagdag na quarantine restrictions. Kinakailangan din ang financial capacity, kaya minabuti ko na mag-sideline ng pagtitinda sa palengke para kumita at maipagawa ko ang medical requirements, at makabili ng mga gamit na kailangan sa internship." Dahil sa sigasig atkagustuhan na makuha ang internship, napagtagumapayan itong lahat ni Avi, sa tulong na rin ng DA-ATI CALABARZON.
Mahahalagang-aral Mula sa Host Farms at Buhay sa Taiwan "Ang pinili ko ay fruit trees. Pagdating ko sa Taiwan, blessed aka na napunta aka sa farm na pineapple yung commodity dahil pineapple farmer din aka. I'm very thankful na from planting, until sa pag-manage ng pinya, hanggang sa export ay natutunan ko sa host farmer ko," saad ni Keith.
llan sa mga natutunan ni Keith sa kanyang host farmer ukol sa wastong pangangalaga ng pinya ay ang paglalagay ng mulch sa mga ito upang mapamahalaan ang mga peste. Dagdag dito ay ang flower-inducing technique gamit ang kalburo na nais ding i-explore o gawin ni Keith sa kanyang farm at ang pagtatanim ng off-season na pinya.
Samantala, ayon kay Avi, lahat ng natutunan niya sa Taiwan ay kanyang i-apply at ibabahagi sa ibang kabataan sa komunidad, partikular ang mga teknolohiya ng mais sa marketing at pag-package ng mga produkto.
Si Jayson Hernandez, ang ikatlong kabataan na nakapasa sa internship program na tubong Antipolo City, Rizal ay tumungo naman sa mushroom farm sa Huangshan Biotech. Pagbabahagi ni Jayson, natutunan niya sa kanyang internship sa Taiwan ang pagiging mas matiyaga at pagkakaroon ng lakas ng loob na sumubok at huwag sumuko sa kabila ng kabiguan at mga pagsubok. Masaya si Jayson na makatulong sa kanyang pamilya sa tulong ng monthly allowance na nakukuha niya sa pagta-trabaho roon. Ang kanyang naipon ay ibinigay niya sa kapatid upang makabili ng laptop para sa eskwelahan at ang iba naman ay ibinigay sa kanyang ama bilang pandagdag sa kanilang ipinapagawang bahay. Ang natitira ay iniipon niya para sa mga piano niya sa hinaharap.
Puso para sa Agrikultura
Sina Keith, Avi at Jayson ay pinagbubuklod ng kanilang puso at dedikasyon na maging kabahagi ng pag-unlad ng agrikultura sa kani-kanilang komunidad at pansariling buhay. "Ito ang passion ko, yung vocation ko or calling is talagang nasa agriculture. Hindi ko makita yung sarili ko sa other field. I am at peace and I am happily engaged sa farming business," proud na pagbabahagi ni Keith.
Para kay Jayson na nag mu la rin sa pamilya na nabubuhay sa agrikultura, tumatak sa kanya ang pangaral ng kanyangama simula pa noong siya ay bata, "Ang agrikultura, nandyan fang yan. Lumipas man ang panahon, sa agrikultura pa rin tayo mabubuhay."
Payo ni Avi sa mga kabataan na tu lad nya na "4-Her" o sinuman na nasa larangan ng agrikultura, yakapin ang la hat ng oportunidad na matuto, mga pagsasanay - malaki man ito o maliit. Aniya, malaki ang naging tulong nito sa paghubog sa kanya bilang isang indibidwal at bahagi ng samahan. Ito rin ang nagmulat sa kanya na mas lalong mahalin ang agrikultura at magsilbing inspirasyon sa ibang kabataan.
Mensahe ni Keith sa lahat ng kabataan, "/ would admit, mahirap ang mag-engage sa farming, /ala sa umpisa. Pero, ituloy fang natin. Unti-unti, mapapamahal kayo sa farming. Someday, we the younger generation na nag-engage sa farming, little by little, we can have also our share sa farming industry na yung life ng farming-worth it, kumikita atenjoyable."
Story by: