Pagtatasa at Paghahambing: Susi sa Pagpapabuti ng Serbisyong Ekstensyon

Mon, 07/03/2023 - 17:03
Pagtatasa at Paghahambing: Susi sa Pagpapabuti ng Serbisyong Ekstensyon

Cordillera Administrative Region - Isang mahalagang bahagi ng bawat organisasyon ang pagtatasa ng operasyon nito. Ang semestral na pagsusuri ng mga naisagawang aktibidad ay bahagi na ng regular na gawain ng DA-ATI CALABARZON.

Kaugnay nito, isinagawa ng tanggapan ang Midyear Performance Review and Assessment cum benchmarking Activity noong Hunyo 13-16, 2023 sa DA-ATI Cordillera Administrative Region (CAR). Hangarin ng gawaing ito na alamin kung nakamit ang mga partikular na layunin ng bawat aktibidad na naisagawa at patuloy na pagbutihin pa ang pagsasagawa ng mga napipintong gawain na pang ekstensyon.

Masusing pinili ng pamunuan ng DA-ATI CALABARZON ang DA-ATI CAR bilang lugar na paggaganapan dahil na rin sa mga tagumpay na nakamit nito na kinabibilangan ng: Efficient Management of Over-all Cash Allocation sa 2022 at 2nd Best RTC sa RCEF Implementation. Minarapat din ng DA-ATI CALABARZON ang pagharap sa pamunuan at mga kawani ng DA-ATI CAR kung saan tinalakay ang mga matagumpay na pamamaraan at mga makabagong strathiya na ipinapatupad ng parehong Regional Training Centers. 

Midyear 1and2

Bukod pa rito, nagkaroon din ng pagkakataon na mabisita ang mga sertipikadong Learning Sites for Agriculture (LSAs) sa rehiyon tulad ng Salt and Pepper Farm sa bayan ng Besao, Mountain Province kung saan nagkaroon ng pagpapaliwanag sa teknolohiya na ginagamit sa pagpaparami ng pananim sa ilalim ng mga puno ng pino. (pine trees) Nasaksihan din ng mga kawani ng DA-ATI CALABARZON ang paraan ng pag-aalaga ng mga pukyutan. Nagkaroon din ng pagpapaliwanag sa pamamaraan ng pagpaparami ng pukyutan sa pamamagitan ng artificial insemination sa Sagada Heritage Village sa bayan ng Sagada, Mountain Province.

Sa huling araw ng gawain, isinagawa ang presentasyong CY 2023 1st Semester Consolidated Physical Accomplishments ng bawat banner program ng ahensya. Sa kabuuan, ang aktibidad na ito ay nagsilbing lugar ng pagbabahagi ng kaalaman at pagpapalitan ng pinakamahuhusay na ideya, mga kaparaanan at kasanayan na magagamit at maibabahagi sa iba’t-ibang sektor ng agrikultura sa Rehiyon IV-CALABARZON.

Ulat ni: Abegail Del Rosario

 

article-seo
bad